Chapter 29

87.9K 1.8K 62
                                    

Chapter 29

"Hi!"

Nabitawan ko ang siyanse nang marinig ang boses na iyon. Mabuti na lang ay sa frying pan ito bumagsak.

Natawa si Tamiya dahil sa aking reaksyon. "I'm sorry... nagulat ba kita?" Sa kabila ng tawang iyon ay may bahid ng concern sa kanyang mga mata.

Umiling ako kahit ang totoo ay tama siya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Bigla na lang siyang sumulpot.

"What are you cooking? Mukhang masarap ah..." Lumapit siya sa akin at tinignan ang niluluto ko. "Fried rice with what? Hotdogs, eggs, bacon and green peas?"

Tumango ako. "Gusto mo ba?"

"Sure!" Ngumiti siyang muli. Isang napakagandang ngiti.

Hindi ko na din nasupil ang ngiti ko. Madalang ngumiti ang isang Tamiya Dela Vega. First year pa lang siya ay iniilagan na siya ng mga tao sa school na pinasukan namin.

"Hintayin lang nating maluto then paghahanda kita."

"No need. Baka kalbuhin ako ng boyfriend mo." Umikot ang kanyang mga mata.

Natawa kaming pareho. I didn't imagine that this would happen. Iyon bang makakakwentuhan at makakatawanan ko siya nang ganito. Para kasi sa akin ay mahirap abutin ang mga Dela Vega kahit na kaklase ko pa noon sina Phoenix. Pakiramdam ko ay may malaking pader ang nakaharang sa akin at sa kanila. They were too affluent while I... was just a morsel.

"Anyway... kamusta ka na?" Tanong niya sa akin.

Kusang nalukot ang aking noo. Pinatay ko muna ang stove bago ko siya tuluyang hinarap. Nakapangalumbaba siya at nakadekwatro. Napakakinis ng kanyang balat. Ang mukha niya ay seryoso ngunit kakikitaan ito ng kuryosidad.

"Ayos naman." Tipid kong sagot.

Umirap siya. "Seriously, bagay na bagay kayo ni Phoenix. You both are taciturn!"

Napanguso ako. Lalong hindi nakapagsalita.

"See?" Tumayo siya at naglakad patungo sa entrada nitong kusina. Saktong may pumasok na katulong. "Paki-handa naman ng breakfast. Madami naman 'yong niluto ni Millicent so if ever na magkulang, magluto na lang kayo for my cousins."

Tumango ang katulong. Naglagay na ito ng mga plato at baso sa hapagkainan. Maaga pa kaya nakakapagtaka ang maagang gising ni Tamiya.

"Nakatulog ka nang maayos?"

Nilingon niya ako at muling bumalik sa high stool na kinauupuan niya kanina.

She smirked. "Of course. I hoisted 3 glass of champagne last night. Kailangan ko din niyon para diretso ang tulog ko."

Tumango ako. Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi.

"So I bet you're going with us tomorrow?"

Nalito ako sa kanyang sinabi. "Ha?"

"Didn't he tell you that we're leaving tomorrow? Magpapaparty si Sebastian at gaganapin 'yon sa Dela Vega Fortress. Dadalhin niya din doon si Penelope. Even the girlfriends and boyfriends of Dela Vegas will be there."

"I'm just about to tell her, Tami."

Nilingon ko ang kapapasok lang na si Phoenix. Wala pa din siyang suot na pang-itaas. Nakabalandra ang maganda niyang katawan. Napalunok ako nang makita ang mga butil ng pawis dito. Even his hair was slightly messy.

Nag-iwas ako ng tingin kasabay nang pag-iinit ng aking pisngi. I couldn't forget what happened between us last night.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya mabilis akong tumalikod. Nahihiya ako kay Tamiya dahil kahit anong gawin ko ay alam kong halata ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ako manhid para hindi malamang pinapanood din ako nito!

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon