Chapter 41

82.1K 2K 151
                                    

Chapter 41

"Monica!" Hindi ko na alam ang gagawin.

Pabalik-balik ang tingin niya sa kanyang skype at sa akin.

"Wag mong sasagutin."

"I-I'm sorry Millie." Umiling si Monica at hindi sinunod ang sinabi ko.

Mabilis akong nagtago para hindi niya ako makita. Sina Geneva at Cassia ay tahimik na pinanonood din si Monica. Patayo na ako mula sa kama ngunit piniit ako ni Cassia.

"P-phoenix..." Sambit ni Monica.

Gusto ko silang sigawan! Gusto kong magsalita man lang ngunit hindi ko magawa sa takot na marinig niya ako. Ayoko siyang makita. Sasandali pa ang panahon at hindi ganoong kadali ang bagay na ito para sa akin.

"Hi..."

Nagtaasan ang aking balahibo dahil sa boses na iyon. Bumilis din ang tibok ng aking puso.

Tumingin sa akin si Monica. "Napatawag ka?"

Pinilit kong kumawala ngunit ayaw akong bitiwan ni Cassia.

"Cassia..." Pabulong ngunit mariin kong sabi.

"I just wanna say sorry for everything." Sagot ng boses na iyon na pilit kong iwinawaksi sa isip. "Ang dami kong nagawang mali sa'yo. Hindi man lang din ako nakapagpaalam nung umalis ako."

Naramdaman ko ang bikig sa aking lalamunan. Nahihirapan akong lumunok. Umiwas ng tingin sa akin si Monica. Hindi siya makasagot. Kinagat niya ang labi at tumungo.

"I wanted to say goodbye but you're not in your condo unit. I thought... I would be having a chance to talk to you... kaso naisip ko na iniiwasan mo nga rin pala ako."

"I-iyan lang ba ang dahilan kung bakit ka tumawag?" Nauutal na tanong ni Monica.

Mahinang tawa ang narinig ko mula sa kanya. Dahil nakatago ako at nakatalikod sa amin nila Cassia at Geneva ang laptop ay si Monica lang ang nakakikita ng kanyang reaksyon.

"Namimiss na kita..." Mahina at paos na boses niyang sabi.

Tila ilang karayom ang bumaon sa puso ko sa narinig. Bahagyang napalunok si Monica bago ako muling sinulyapan. Agad akong umiwas ng tingin. Maging sina Cassia at Geneva ay naramdaman ko ang pagtingin sa akin.

"Phoenix, w-wag ka ngang magsalita nang ganyan." Awkward na sabi ni Monica. "Your sorry is enough. Okay lang din na hindi ka na nagpaalam dahil hindi ka naman obligado na gawin iyon."

Hindi nakapagsalita si Phoenix. Nilaro ko ang mga kamay at pilit na kinakalma ang dibdib sa pagwawala at sa kirot na humahanay dito. The pain was still fresh.

"Cassia... let go of me please." Pabulong kong sabi na halos hindi ito lumabas sa aking bibig.

Ang mga tubig sa mga mata ko ay hindi ko mapigilan ang pag-ahon. Nanginginig din ang aking mga kamay.

"I wanna go home." Dagdag ko pa.

"May kasama ka dyan, Monica?" Tanong ni Phoenix.

Kinuyom ko ang mga palad.

"Wala..." Pagsisinungaling ni Monica. "Sige na, Phoenix... may mga gagawin pa ako-"

"Break na kami ng best friend mo." Putol sa kanya ni Phoenix. "Nagbreak kami noong bago ako umalis papunta dito sa US. Ni hindi na nga ako naka-attend sa kasal ni Sebastian."

"Yes... I heard it. You're not there in the wedding." Lumamig ang boses ni Monica. "You hurt her?"

"You know I can't do that." Sagot niya.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon