Chapter 27

90.2K 1.8K 123
                                    

Chapter 27

"Millicent, sama ka kaya sa amin mamaya?"

Inangat ko ang tingin kay Oria na nasa aking harapan. Uminom siya sa kanyang baso hanggang sa tumutok ang tingin niya sa aking plato.

"Pero di bale na. Alam ko naman na hindi papayag si Phoenix."

"Saan kayo pupunta?" Walang gana kong tanong.

"Bar?" Ngumisi siya.

Wala akong gana sa kahit anong bagay ngayon. Mas gugustuhin ko nang nasa bahay kesa maglakwatsa. Umiling ako.

Muli kong itinuon ang pansin sa pagkain ko na kakaunti pa ang bawas. Pagkatapos ng ilang subo ay tumayo na ako.

"Millie!" Tawag sa akin ni Marian.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Asia.

Nilingon ko sila at matamlay na ngumiti. "Una na ako sa Caress." Hindi na ako naghintay ng kung ano pa ang sasabihin nila.

I told them what happened last night. Hindi ako matahimik nang hindi 'yon naibabahagi sa kanila. Ngunit kahit anong gawin ko ay masakit pa din. Nagkunwari man ako sa harap nila ay alam kong hindi pa rin nakatakas sa kanilang mga mata ang pagtatakip ko sa nararamdaman.

Nakarating ako sa Caress. Pagtingin ko sa may sofa ay si Daucus ang una kong napansin. Nakaupo siya doon at seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

"Millicent..."

Lumapit ako sa kanya. Tumayo siya pero sinenyasan ko siya na umupo ulit. Lumarawan sa mukha niya ang ekspresyon na madalas kong makita sa mga taong nakakasalamuha ko simula kanina.

Umupo ako sa tabi niya. "T-tama naman ang desisyon ko diba?" Lumunok ako at dumiretso ang tingin sa painting na nakasabit sa wall. "Minsan kailangan mong maging madamot. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong magbigay. May mga bagay na okay lang na ipamigay pero mayroon ding hindi." Nilingon ko siya.

He was watching me earnestly. Naramdaman ko ang kanyang kamay na gumapang sa braso ko. He held my hand. Bumagsak ang tingin ko dito. Gusto ko man itong tanggalin ngunit pakiramdam ko ay wala akong lakas para gawin iyon.

"Alam na ni Monica?"

Tumango ako.

"Bakit ganon Daucus? Bakit ang sakit 'pag may isang taong tumalikod sa'yo? Ganoon na ba talaga ako kasama?" Suminghap ako. Pero kahit anong pigil ko ay hindi ko na ito nasupil pa.

Ngumiti ako nang maramdaman ang mainit na likidong lumandas sa aking pisngi. Agad ko itong pinunasan.

"Hindi ka masama, Millicent." Hinigit niya ako at mahigpit na niyakap.

Imbes na tumahan ay mas lalo lang akong napaiyak.

God, the pain wasn't a joke. Hindi ko kayang sarilinin ito. Hindi biro ang nangyayari sa amin ni Monica. Alam ko rin na kahit hindi ganoong nagsasalita si Phoenix ay nasasaktan siya. Importante din sa kanya si Monica!

"Nagkahulihan na. Wala na akong mukhang ihaharap sa bestfriend ko."

"Everything will be fine." He hushed me.

Pero hindi iyon gumagana. Sa ginagawa niya ay mas lalo lang kumakawala ang halu-halong emosyon sa dibdib ko. Nahahabag ako.

"This is not easy for Monica. Nasaktan 'yung tao. Give her enough time to fix herself."

"Paano kung tuluyan na niyang kalimutan ang pinagsamahan namin?" Humihikbi kong tanong.

"What you have wouldn't be forgotten, Millie." Hinaplos niya ang aking likod.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon