Chapter 30

95.3K 1.9K 75
                                    

Chapter 30

"So if you're not yet tired you can tour her around, P. Alam mo naman ang pasikut-sikot dito sa Fortress."

Muli kong tinignan ang malaking hotel sa aking harapan. Mas lalong nadagdagan ang paghanga ko nang makita ang pangalang Dela Vega dito. Dela Vega Fortress.

"I will Tami. Fortress is doing great huh?"

Nilingon ko si Phoenix. May mga lalaking tumutulong sa kanya sa pagbababa ng gamit mula sa van na sinakyan namin.

"Of course. This is the only thing that can make me happy now." Seryosong tugon ni Tamiya. There was blue in her eyes, hindi ako puwedeng magkamali doon. Tumingin siya sa akin. "Let's go?"

Hindi na nagsalita si Phoenix. Habang papasok kami ay panay ang bati ng mga tao kay Tamiya. Tinatanguan niya lamang ang mga ito.

"Good morning ma'am." Magalang na bati ng isa sa mga front desk clerks paglapit namin sa reception area.

Nang makita ng dalawa pang clerks si Tamiya ay matamis na ngumiti ang mga ito.

"Morning." Tipid na tugon ni Tamiya.

Binati rin kami ng mga ito.

"Phoenix Dela Vega."

Tumango-tango 'yong clerk na may pangalang Gretchen. May mga tanong ang clerk kay Phoenix bago ibigay 'yong pass card. Napailing na lang ako nang magbulungan iyong dalawang clerk habang pinapanood si Phoenix.

Tumikhim si Tamiya dahilan para makuha niya ang pansin ng dalawa. Tumaas ang kanyang kilay. Sakto namang may lumapit na dalawang bellhops sa amin at kinuha ang ibang gamit na hawak ni Phoenix.

Gumapang ang kanyang bisig sa aking baywang. Kita ko ang naluging mukha ng mga babae dahil sumusulyap pa rin sila kay Phoenix.

"Nandito na sila Hiro?" Tanong niya kay Tamiya.

"Yep! Nasa kani-kanilang rooms."

Nagsimula na kaming maglakad at sumakay sa elevator.

"Magkahiwalay sila ni Cassia ng room. Magkaaway yata yung dalawa." Ngumisi siya.

Umiling si Phoenix. Nakarating kami sa floor kung saan nandoon matatagpuan ang pinareserve na suite ni Phoenix.

Bago pa ito sumara ay tinanguan kami ng magandang may-ari ng mismong hotel-beach resort. "Enjoy your stay here lovebirds. We don't disappoint our guests, I assure you. If you need something, just phone the front desk."

"Thanks Tami." Tango ni Phoenix.

Sumara na ang lift at inakay niya ako papasok sa isang malaking suite. Kasunod namin ang mga bellhops.

Iginala ko ang paningin. It was a luxury suite. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong presidential suite.

"Kina Tamiya ba talaga ito?" Tanong ko.

Ibinaba ng mga lalaking nakauniporme ang mga gamit namin. Lumabas sila at agad isinara ni Phoenix ang pinto. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang malaking bedroom. Bago ko pa siya maharap ay umupo na siya dito at hinila ako.

Hinaplos niya ang aking baywang. Nagkatitigan kami.

"I heard Monica would be here."

Namilog ang aking mga mata. "T-talaga?"

Tumango siya. "Yep. Geneva and Cassia too."

Gusto ko silang makita. Gusto kong malaman kung kamusta na siya.

"Miss mo na?" Tanong niya.

Malungkot akong ngumiti. Dinala ko ang aking mga kamay sa kanyang batok, humilig ako sa kanyang dibdib.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon