Chapter 17
"Puyat?"
Tumalikod ako at hindi pinansin si Oria. I wanted to shoo the thoughts playing inside my head but it kept on coming back.
Nakakadalawang customer pa lang ako ay matindi na ang pagod na tumama sa akin. Hanggang ngayon ay ginugulo pa din ako nang eksenang naabutan ko tatlong gabi na ang nakararaan. Umupo ako sa sofa at hindi na naman napigilan ang maisip siya.
"Millie, si Phoenix!"
I was awakened from my trance and saw the guy walking toward me. Agad akong tumalikod pero huli na dahil mabilis niyang nahawakan ang aking braso. Kanina pa yata siya nakapasok at naabutan niya pa ata akong nakatulala.
"What are you doing here?" My voice was toned down but I made sure he would feel its coldness. Tumayo ako. "Lumabas ka na Phoenix. May trabaho pa ako. Ayokong-"
"Binibini..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pagtawag niya sa akin. His voice was wobbly which made me taken aback.
He couldn't take my eyes off me. Ang kamay niya ay bumaba sa aking kamay dahilan para mapaatras ako.
"We can talk later but not now, Phoenix," malamig kong sabi. "Nagtatrabaho ako."
Hindi ko na siya hinintay magsalita. Nilagpasan ko siya at tinawag ko na ang sunod kong customer. Katulad ng dapat ay nagtrabaho ako. Pagkalabas namin ay kumunot ang aking noo sa nakitang tatlong bouquet ng rosas sa table ng waiting area.
Sana lang ay hindi para sa akin ito. Sana lang dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Those are yours again."
Napapikit ako.
"Pinapahirapan mo na talaga si Phoenix, friend."
Nilingon ko si Oria na ngayon ay nasa tabi ko na. Si Asia ay nakaupo sa sofa at palipat-lipat ang tingin sa akin at sa mga bulaklak. Mula sa counter ay inilabas ni Marian ang tatlong Ferrero Rocher na nakalagay sa malaking heart-shaped na lagayan.
"He left these too." Iniabot niya sa akin ang mga tsokolate. Umirap siya at kinurot ako sa tagiliran. "'Wag kang pabebe, Millicent! Kung mayroon kayong hindi pagkakaunawan, pag-usapan niyo. Kayo lang ang nagpapahirap sa mga sarili niyo."
I placed the chocolates on the table. Walang gana akong umupo sa sofa at tumabi sa akin ang tatlo. I knew that they were waiting for me to share. Dahil kailangan ko ding ilabas ito ay nagsimula akong magkwento. They listened to me as I told them the occurrences.
"So, 'yun ang nangyari?" Marian shook her head and stood up. "Tatlong araw mo siyang tinitikis samantalang hindi mo pa naman naririnig ang side niya?
Sinundan ko siya ng tingin.
"And that Monica, she's absolutely out of her mind for doing that." Pagpapatuloy niya. "Knowing that she's your best friend, Millie, dapat ay hindi niya iyon ginawa!"
"Marian, hindi ka ba nakikinig?" Umirap si Oria at pinakialaman na ang tsokolate. Sumubo siya ng isa at nginuya ito. "Hindi nga nagpapahalata si Millicent na may namamagitan sa kanila ni Dela Vega diba? At ikaw naman Millicent, hindi porke gusto ng kaibigan mo, tatratuhin mo ng ganyan si Phoenix. He doesn't deserve such treatment."
Ilang tao na ba ang nagsabi sa akin na hindi deserve ni Phoenix ang ginagawa ko?
Siguro nga tama sila, pero hindi ko alam kung paano ako aakto kapag nariyan na si Monica. Ayoko siyang masaktan pero ayoko ding masaktan si Phoenix.
"If I were you, Millie. I'm gonna fight for him. At kung totoong kaibigan mo si Monica, dapat tanggap niya na ikaw ang gusto ni Phoenix at hindi siya. But before that, you need to tell her the truth. Stop acting as if Phoenix is zilch to you. It doesn't make sense. It's like you're putting yourself in a shell game. Ikaw ang nanloloko. Niloloko mo ang kaibigan mo, ang sarili mo, and what worst is, sinasaktan mo ang lalaking handang gawin ang lahat para sayo."
BINABASA MO ANG
Surrender
General FictionChallenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. Sinusubok tayo ng iba't-ibang uri ng sakit para malaman kung gaano tayo katatag at kung gaano tayo tatagal sa mga bagyo na maaaring humagupit...