Chapter 35
"Hoy di mo man lang ba papainumin si Millicent? Man, sometimes you need to teach your girl how to drink!" Kinindatan ako ni Colton.
Napangiti ako. Nang tignan ko ang reaksyon ni Phoenix ay masama ang tingin niya sa kaibigan.
"Where's Seb and Penelope?" Kumunot ang noo ni Michael. Nasa harapan namin sila at as usual ay may kanya-kanyang babae na dala. "Hindi ba't ngayon niya ipakikilala si Penelope as his future wife sa atin? Malapit na ang kasal nila. Ano ba talaga ang nangyari kay Seb at kailangan niyang magpatali nang maaga?"
"Why don't you ask him yourself, Michael?" Masungit na sabi ni Phoenix. "Talo mo pa ang babae. Too nosy. You kept on asking about the couple." Pinisil niya ang aking balikat. "At hindi problema na matali ka nang maaga kung mahal mo 'yong tao." Hindi siya nakatingin sa akin ngunit kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang mukha nang sabihin niya iyon.
"Tsk." Umirap si Michael. "Palibhasa kasi nakuha niyo na ang mga babaeng gusto niyo." Makahulugan siyang tumingin sa akin.
Nailang ako kaya iniwas ko ang tingin at itinutok ang atensyon kina Jemimah na nasa kabilang table. Ang iingay nila at may kung anu-anong pinagkekwentuhan.
"Nagsesex pa 'yung dalawa. 'Wag kayong hanap nang hanap!" Natatawang sabi ni Bradley. He's already drunk!
"Watch your mouth Brad!" Inis na sabi ni Phoenix. Tinignan niya ako pagkatapos ay ang nasa kabilang table na sila Jemimah.
Mukhang narinig din ng ibang Dela Vega ang sinabi ni Bradley!
"Peace pare!" Natatawang sabi nito.
Awkward akong ngumiti nang magkatitigan kami. Nakakunot ang noo niya kaya pinisil ko ang kanyang ilong.
Ilang sandali pa ay napatingin kami sa lalaking tumikhim sa aming harapan. It was Sebastian with Penelope. Ang babae ay nakatayo lang sa kanyang tabi, hindi kumikibo. Hanggang sa magsimula ang party at pinakilala ni Sebastian sa amin si Penelope.
"Tanga kasi hindi pa inupahan 'tong Fireside!" Malakas na sabi ni Tamiya dahilan nang paglingon namin sa kanya.
Kumunot ang aking noo nang makitang tipsy na siya. Nang hindi na ako makatiis ay hinawakan ko ang pisngi ni Phoenix.
"Pwede akong uminom?" Tanong ko.
"You're already drinking your juice." Aniya.
"Just one shot." Pagpupumilit ko.
Juice lang ang iniinom ko. Hindi niya ako hinahayaang makahawak ng mga basong may lamang alak. Sa totoo lang ay gusto ko lang namang hindi ma out of place sa kanila.
"No."
Bumuntong-hininga ako at hindi na nagpumilit. Pinanood ko na lang ang mga bula na tumatama sa katawan ng mga taong nagsasayaw sa gitna.
"'Wag ka na kayang pumasok sa Caress." Ilang minuto ang nakalipas nang sabihin niya iyon.
Dahil kami na lang dalawa ang nandito sa table ay medyo nakalayo ako sa kanya. He spread his arm on the sofa.
"Ano?"
"'Wag ka nang pumasok sa Caress. Tumigil ka na sa pagtatrabaho."
"Nagbibiro ka ba?" Hindi ko makapaniwalang tanong. No. Hindi ako puwedeng umalis doon. Iyon na nga lang ang tanging pinagkukunan ko ng panggastos para sa pangangailangan sa bahay.
"Kaya naman kitang buhayin. You don't need to work. You just need to be in our home."
"Your home." Pagtatama ko at iniwas ang tingin. "That's impossible. Kailangan kong tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid ko at ng nanay."
BINABASA MO ANG
Surrender
General FictionChallenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. Sinusubok tayo ng iba't-ibang uri ng sakit para malaman kung gaano tayo katatag at kung gaano tayo tatagal sa mga bagyo na maaaring humagupit...