Chapter 28
"What's wrong with that guy? May boyfriend ka na pero nagbibigay pa din siya ng bulaklak sayo!"
Nakasakay na kami sa Chrysler pero hindi pa din niya ito pinaaandar. Frustration was evident on his handsome face. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil nang mabasa niya ang note na iyon ay hindi na siya nagpahawak sa akin.
He's really jealous! Hinagis pa nga niya kanina ang bulaklak sa back seat!
"We're friends." Tipid kong sagot.
Umigting ang kanyang panga. I didn't want this thing to be a big deal to him. Noon pa man ay binibigyan na ako ni Daucus ng bulaklak. Paisa-isa nga lang dahil pumipitas lang siya sa garden ng school.
"Ilang beses mo nang nasabi na kaibigan mo siya. So what?" Ramdam ko ang pagpipigil niya sa sarili na sumigaw. "So if the guy is your friend and he gives you flowers, you'll always accept those? Your friends are really lucky huh!"
Sumandal siya sa headrest. Nilingon niya ako at umiling. Di nagtagal ay binuksan niya ang pinto.
"Uy saan ka pupunta?" Tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. Binuksan niya ang pinto sa backseat at kinuha ang bulaklak. Bumaba rin ako at sinundan siya. Papunta siya sa malapit na basurahan!
"Phoenix!"
"You don't need flowers from other guy. Kayang-kaya kitang ibili ng kahit ano pang gustuhin mo." Padabog niya itong itinapon. "Going out with him is not allowed, Millicent. Ano siya sinuswerte?"
Napatingin ako sa kawawang bulaklak. Hindi pa lumalabas si Daucus sa Caress kaya hindi ko napigilan ang kabahan. Ayokong isipin niya na itinapon ko lang ang ibinigay niya. Kaibigan ko pa din siya!
"Bakit mo ginawa iyon?"
"Because I can." Masungit niyang sabi.
Naglakad siya pabalik sa Chrysler. Sunod lang ako nang sunod sa kanya. Kahit iritado ay nagawa niya pa din akong pagbuksan ng pinto.
He's unbelievable! Sa kabila ng inis na nadama ko ay ang mabilis na paglambot ng puso ko dahil sa pagiging maginoo niya.
Pinaandar niya ang kotse. Wala kaming imikan. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam kung paano siya kakausapin. Ayokong mag-away kami kaya nanatili akong ganoon.
Bumuntong-hininga siya nang tumagal ang hindi namin pagkikibuan.
"Where do you want to eat?" His voice was plummy.
Sa boses niya ay pakiramdam ko, isa lang ako sa mga empleyado sa kumpanya nila. I knew him so well. Alam kong ganito niya pakitunguhan ang mga tao nila. Phoenix could be formal and condescending at the same time!
"'Wag na. Sa bahay na lang ako kakain."
"Where do you want to eat?" Ulit niya.
Umirap ako at hindi siya sinagot. Itinigil niya ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Ayaw ko man pero sa totoo lang ay nagugutom na din ako. Kaya imbes na mag-inarte ay inunahan ko na siya pagbaba.
"Shit!" Mahina lang iyon pero nadinig ko pa rin.
Napakagat ako sa labi nang gumapang ang kamay niya sa bewang ko. Hinigit niya ako palapit sa kanyang katawan bago akayin papasok. Hindi ako kumibo. Hanggang sa umupo kami sa pinakang tagong bahagi at agad na nilapitan ng waiter.
Iginala ko ang mga mata sa paligid at nakitang may grupo ng mga babae ang nakatingin kay Phoenix. Nagbubulungan sila. They looked opulent and sophisticated with the way they dressed.
BINABASA MO ANG
Surrender
General FictionChallenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. Sinusubok tayo ng iba't-ibang uri ng sakit para malaman kung gaano tayo katatag at kung gaano tayo tatagal sa mga bagyo na maaaring humagupit...