Itago na lang natin sa pangalang Angel ang aking Auntie.
Mayroon syang matalik na kaibigan na masasabi nating play girl.
May kaya sa buhay ang play girl na ito na itago natin sa pangalan Mysa.
Ang pamilya ni Mysa ay may family driver na itago natin sa pangalan Mike, si Mike ay may asawa at anak na boyfriend rin ni Mysa.
***
Magkasamang pumunta sa probinsya sina Mysa, Angel at Mike. (Province nila Mysa)
Doon ay balak gawin ni Mysa ang dapat ay noon pa niya ginawa.
Madalas kasi syang payuhan ni Angel na hiwalayan na si Mike.
Hindi naman kasi ito mahal ni Mysa, parang sinakyan nya lang ang nararamdaman ng lalaki, iniisip kasi ni Mysa na wala naman talagang patutunguhan ang relasyon nila kaya ayos lang na makipag-relasyon siya dito.. total, tiyak naman niyang pinaglalaruan lang din sya mg lalaki.
Si Mysa ngayon ay may boyfriend, isa iyon sa mga rason kung baket sya makikipag hiwalay kay Mike.
Hindi naman siguro tatangi si Mike.
Palaging sinasabi ni Mike na mahal sya nito, sobrang seloso din si Mike. Pero wala syang gusto kay Mike, katuwaan lang ang mga nangyari sa kanila.
***
At dahil probinsya ay malalayo ang kapitbahay, madilim ang paligid. Masasabing sa area na iyon ay 3 lang sila.
Pumasok sina Angel at Mysa sa bahay na sabi ni Mysa ay sa lolo at lola pa nya.
Napag-usapan nila si Mike at dun nga ay disidido na sya na hiwalayan ang lalaki.
Maya-maya ay nakita nilang papalapit si Mike, pumasok ito sa bahay.
"Angel, labas ka muna, may pag uusapan lang kami" Si Mike iyon.
Tumingin si Angel kay Mysa, tumango lang naman si Mysa na parang sinasabi na umalis na sya dahil makikipag hiwalay na rin sya sa lalaki.
Agad na lumabas si Angel, may natanaw syang swing sa di kalayuan, nakakabit iyon sa puno. Doon niya napiling umupo. Hihintayin na lang niya lumabas si Mike at papasok agad sya dahil gusto rin niyang malaman agad ang naging tugon ni Mike sa pakikipag-hiwalay ni Mysa.
Wala pang isang oras ng makarinig si Angel ng putok.
Malakas na putok!
Naalala nya agad si Mysa kaya dali-dali syang tumakbo sa bahay
At doon, naabutan nyang nakahiga na si Mysa, nakatayo naman si Mike malapit sa pintuan
"Mike.." iyon lang ang nasabi ni Angel. Pinahiga nya ang ulo ni Mysa sa paa nya."Nakikipag-hiwalay sya sakin, pumunta ako dito para sabihing iiwan ko ang asawa at anak ko dahil mahal na mahal ko sya tapos may mahal pala syang iba! Kung ayaw nya sakin, mabuti pang mawala sya!" Parang baliw na umiiyak si Mike. Nakatotok ang 45 na baril kay Angel.
Umiyak na rin ng umiyak si Angel, sumigaw sya ng sumigaw pero walang makarinig sa kanya.
"Tumahimik ka!" umakto itong papuputukan ng baril si Angel kaya natahimik na lang si Angel.
Si Mysa naman walang malay, walang dugo si Mysa kaya inisip ni Angel na pinokpok lang si Mysa at nawalan ito ng malay.
"At ikaw kapag itinuro mo ako, papatayin kita kasama ang boo mong pamilya"
Iyon lang ang sinabi ni Mike at dali-dali itong tumakbo palabas.
Saka pa nabigyan pansin ni Angel ang kaibigan.
Naramdamdaman nya ang init ng likido sa kanyang paa, umagos pala iyon mula sa ulo ni Mysa.
Nataranta sya at nanginig ang katawan na tinititigan ang duguang kamay.
Hindi nya malaman kung saan natamaan si Mysa.
Kaya sinuri nya
Humagolgol ng iyak si Angel dahil hindi nya alam ang gagawin, niyakap nya lang ng niyakap ang matalik na kaibigan.
Nang makita nya ang parang maitim sa may toktok ni Mysa.
Inisip nya na dumi lamang ito kaya pinahid nya ng hintuturo nya ng bigla lumusot ang kalahati ng hintuturo nya at ng tangalin nya ito ay lumabas ang dugo nito.
Tumalsik sa mukha nya!
Nabasa ang buhok na mahaba at maitim nyang buhok ng dugo.
Halos ihilamos na nya ito sa sariling mukha.
Mas lalo umiyak si Angel. Sa takot at pagkabalisa.
Nagsisigaw na sya!
Sigaw na lang at iyak!
Maya maya pa may ilang taong nagdatingan at iyon ang tumulong sa kanya na dalhin ito sa ospital.
***
Habang naglalakad si Angel ay panay ang tulo ng dugo sa kanyang buhok, mistula syang naligo sa dugo ng kaibigan
Agad syang dumiretso sa CR ng ospital. Naghilamos, at naghugas. Nakatitig sya sa salamin. Takot na takot si Angel simula pa kanina.
Nagsidatingan naman ang pamilya ni Mysa at Angel.
Lahat gustong kausapin si Angel pero tulala pa sya na nakaupo sa isang tabi.
Hindi pa halos makausap.
Kaya pinauwi na muna si Angel para makaligo.
Halos mapalitan ng kulay pula ang tiles ng maligo na si Angel.
Iyak lang din sya ng iyak.
Sa takot at kalungkutan.
***
2 weeks laterNaipalibing na si Mysa ng muling nagparamdam si Mike.
Tumawag ito: Kapag itinuro mo ako papatayin kita kasama ng pamilya mo.
Ngayon naguguluhan na siya kung ano ang gagawin nya.
Kinausap sya ng magulang ni Mysa at hinihingi na magsalita sya para sa katarungan ng kaibigan.
Pero iniisip nya rin ang kalagayan ng pamilya at sarili.
***
May mga pagkakataon na may nararamdaman sa katawan si Angel. Yung hindi sya nakakagalaw sa pagkahiga o kaya sa pagkaupo.
Nang buhay pa kasi si Mysa ay mahilig itong yumakap sa kanya at ipulupot ang mga paa hangang sa di sya makagalaw.
Iyon ang iniisip na rason ni Angel kapag nararamdaman nyang hindi sya makagalaw sa pagkapahiga o pagkapaupo.
Ibinibulalas nya na lang na "Mysa, naglalambing ka na naman"
***
Hindi ko na alam kung ano ang nagyari sa justice ni Mysa.
Habang sinusulat ko 'to e natatakot ako, wala kasi akong hiningi na pahintulot.
Hindi ko personal na kilala si Mysa. Mabigyan sana sya ng hustisya.
Maraming salamat sa mangbabasa
BINABASA MO ANG
Misteryo
ParanormalAng kwentong mababasa ay hango sa aking tunay na karanasan at karanasan ng aking kaibigan at kakilala. Hindi ito nakakatakot dahil hindi ko rin intensyon na kayo'y takutin, gusto ko lang magbahagi ng kwentong karanasan. By: Author ❤☺