Boses (Lucid)

244 8 0
                                    

Pamilyar ba kayo sa tinatawag na Lucid dream?

Ayon sa napagtanungan ko na PARANORMAL ang Lucid Dream ang pagkakaroon ng malay habang nanaginip.

Actually, hindi daw talaga panaginip.

Kapag marunong ka daw mag control ng panaginip mo ay magagawa mong palabasin ang sarili mong espirito at makakapaglakbay ka.

Pero konti lang daw ang nabibiyaan nito.

Muntikan na daw ako kaso wala daw akong kakayahan na i-manage iyon kaya naging MUNTIKAN LANG

Ganito nagsimula lahat

***
Alam kong umaga na.

Pero pinili ko pa rin ang matulog, kaya nakatulog ako ng malalim

Sa gitna ng pagtulog ko ay nanaginip ako, normal naman ang managinip sa tulog.

Ang ipinagtataka ko, alam ko na nanaginip ako.

Kasi habang nanaginip ako ay nakakapag isip ako.

Yung memory ko at panaginip ko nagsama.

Sa panaginip ko, namatay daw ang mama ko.

Sa isip ko bigla akong nagsasalita na ganito "Lahat na lang ng panaginip ko puro patay"

Nung nakaraang araw napanaginipan ko na namatay ang isa kung kaibigan.

Kaya sa panaginip ko ngayon ay naisali sya sa mga iniisip ko.

"Lahat na lang ng panaginip ko puro patay.. noong nakaraang araw namatay ang friend ko sa panaginip ko ngayon naman si mama ang namatay sa panaginip ko".

Weird!

Dahil alam kung nanaginip ako at yung sinasabi ko lahat sa utak ko lang.

Hangang sa may boses akong narinig mula kinahihigaan ko.

Gusto kung gumising kasi gusto ko syang makita.

Alam ko na nasa tabi ko lang sya.

Dahil napakalapit ng boses nya.

Kinakausap nya ang isip ko pero naririnig ko ang bosea nya.

Napakalinaw na boses, kaya alam kung katabi ko sya.

Alam kung tulog ako, kaya ang isinisigaw ng utak ko.

"Gusto kung gumising kasi alam kung nasa tabi kita, gusto kitang makita kung sino ka man.. sino ka ba? Alam kung tulog ako kaya kaylangan kong gumising para makita kita"

Pwera biro po, totoo ang boses na narinig ko.

Ang sabi nya na malumanay, lalaki ho ang boses.

"Ang managinip ka ng may namamatay hindi nangangahulugan na namamatay sila.. ang ibig sabihin may problema silang haharapin naahihirapan silang sulosyunan"

Habang nagsasalita sya ay ang pagnanais kung gumising.

Nang nawala na ang boses ay saka ako nagising at dali dali kung tiningnan ang tabi ng kama ko kung saan ko marinig ang boses nya.

Kasi alam kung doon ko sya narinig at nandoon sya kanina lang.

***

Last year pa po ito nangyari sakin at hindi na naman muling naulit.

MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon