Anino 1

288 5 0
                                    

Medyo mahaba ang kwentong ito kaya puputul-putulin ko yung part.

***
Madalas ko na itomg marinig sa aking Aunti kahit noong dalaga pa sya.. pero hindi ko naman binibigyan ng pansin, dahil siguro ako'y bata pa.

"Dito sa kwarto ko may 3 anino dito" sabi niya sa'kin na di tumitingin.

"Saan mo nakikita?" tanong ko.

"Dito sa paanan namin"

Napatingin ako sa paanan ng kama nila.

Yung kama nila ipit na ipit aa pader. Sa gilid, sa paanan at ulonan. Tapos sa paanan nila nandun din ang pintuan ng labasan.. konting distansya lang.
Kaya kung nakahiga ka ay makikita mo kung may papasok.

"Matagal na sila dito, dalaga pa ako"

May asawa na kasi si Auntie at kakapanganak nya lang ng mga panahon na iyon.

Nai-kwento sa'kin ng asawa nya ang isang pangyayari.

Kasulukuyan daw silang natutulog, nakapatay ang ilaw pero may sapat na liwanag galing sa labas para makita nila ang isat isa.

Maya maya pa may nakita silang 3 anino na dumaan sa pader kaya bumangon si uncle at kinuha ang kutsilyo sa gilid ng mesa.

Nang tumingin siya ulit wala na ang anino.

Ang unang pumasok sa utak nya ay magnanakaw.

Bumalik sya pag higa ulit.

Iniisip nya pa rin yung nangyari kanina ng biglang may pumasok na konklusyon sa kanyang utak.

Walang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya at kay auntie na tulog na.

At kung anino nga iyon ng tao ay sa ulo nila dapat iyon dumaan, pero kung sa ulo nila dumaan e matatapakan sila dahil wala na naman space kasi nga nakadikit ang kama nila.

Bigla syang kinilabutan.

Hindi anino ng tao ang nakita nya.

Ganun pa man ay inignora niya ang isipin na iyon.

Kakalimutan niya.

To be continued..

MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon