Bata

433 11 0
                                    

Noong bata pa ako ay nakakaramdam at minsan nakakakita ako.

Hindi ko naman tinatakot ang sarili ko pero nangyayarinito sa'kin.

Sa awa ng dios, ngayon hindi ko na nararanasan ulit at ayuko na maranasan ulit.

'to ang kwento ko.

***

Graduating ako noon sa high school at may 2 akong elementary na kapatid.

Bilang panganay ay nauuna akong bumangon para magluto ng agahan.

Inaamtok pa ako, bumabangon kasi ako ng maaga, madilim pa sa loob ng bahay pati sa kusina dahil sarado lahat. Ayuko naman buksan at malamig.

May konting liwanag naman, sapat para maka-luto ako.

Agad akong nasaing.

Hindi naman ako natatakot ng mga oras na iyon, kay aga aga matatakot ka ba? Antok siguro oo.

Napatingin ako sa stove at may nakita akong mukha ng batang lalaki.

Edad 7. Maputi at katamtaman lang ang hitsura.

Natakot ako kasi alam kong mag isa lang ako at di ko naman sya kasama sa bahay.

Kaya napaatras ako at humarap sa likuran ko.. wala akong nakita.

***
Araw din ang lumipas at same na panahon pa rin, umaga at at magluluto ako ng agahan.

Napatingin ako sa kaserola (yung di nababasag, parang yero) ng makita ko ulit ang batang lalaki.

***
Iyon ang simula kung baket di na ako tumitingin sa mga bagay na may repleksyon.
Minsan na lang ako manalamin, mahirap na.. ayukong may makita ulit.

Wala naman akong 3rd eye. Sa tingin ko wala, natural lang siguro na minsan nakakakita tayo.

Naitanong ko na rin.
Yung bata daw na nakikita ko ay isang engkanto.

MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon