Iyak sa cr

243 3 1
                                    

Karaniwan na yata ang ganitong kwento tungkol sa acuelahan.

At isa ang kwento ko.

Sa mga cr ng scuelahan na malaki at malawak, puti ang pintura at puti ang tiles.

Apat na kwarto na kinalalagyan ng kubeta.

At kapag night student ka pa at umaabot ng alas 10 ng gabi ang klase mo ay malimit ay mag isa ka na lang na papasok ng Cr.

Ganito ang kwento ko.

Klase ko noon ng subject kong Chemistry. Habang nagka-klase kami ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan, kaya agad akong tumayo at lumabas sandali para mag cr.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala ng tao, kami na lang din ang nagka-klase ng mga oras na yon. (9:45pm)

Pag pasok ko ay diritso ako sa cr at nadaanan ko pa ang malaking salamin sa loob

Sa loob ng cr ay may 4 na kwarto na hinati-hati. Magkakatabi iyon, pag pinasok mo ay bubungad sayo ang kubeta.

Bago ako pumasok ay pinagkakatok ko muna ang mga pinto para masiguro ko na wala nga akong kasama.

Pinili ko ang pinaka-dulo. Doon talaga ako palaging nag si-cr.

Masaya pa ako dahil solo ko ang cr.

Naiinis kasi ako pag maraming tao ang gumagamit. Maingay at napakagulo.

Plano ko pagkatapos ko mag cr ay mananalamin ako.

Nang nasa loob na ako ay agad kung binuksan ang butones ng pantalon ko at ibinaba ang zipper ko.

Naiihi na talaga ako!

Hinawakan ko ang pantalon at panty ko, aakto na sana akong magbaba para umihi ng biglang may impit na iyak mula sa katabing kubeta.

Hindi naman ako natakot.

Nanatili ako sa posisyon ko, masinsinan kong pinakingan ang iyak.

Iyak babae.. Sumisingot singot at hikbi pa.

Nang pinakingan ko sya ay lalong lumakas ang iyak nya.

Dama ko na hindi normal na tao ang naririnig ko.

Biglang magtayuan ang balahibo ko.

Kasabay ang pag atake ng takot ko.

Nawala ang pagkaihi ko.

Patakbo akong lumabas sa cr.

Habang naglalakad ako ay nadidinig ko pa rin ang iyak.

***

Ang aking karanasan ay naikwento ko sa iba kung kaklase

May ibang di naniwala at ang iba nakinig lang.

Pero isang tao ang naka-experience ng karanasan ko.

May umiiyak nga daw sa cr. Isang babae.

Naisip ko tuloy na baka multo nga iyon.

MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon