Lola

328 6 0
                                    

Naniniwala ba kayo na bumabalik ang taong nagmahal sa inyo?

Ito ay kwento ng aking pinsan, mas close kasi sya sa lola ko.

Ako hindi ganun kasi di naman kami nagkaroon ng maraming panahon para magkakilala.

Tawagin natin na Nathalie ang aking pinsan.

***
Byuda na ang aking lola at nabulag na rim ito dahil sa katandaan.

Doon nakatira si Lola sa bahay ng aking tita (Mama ng aking pinsan na anak ni Lola)

Dahil busy sa work si tita at ang kanyang asawa ay madalas maiwan ang aking pinsan.

Madalas na naiiwan silang dalawa sa bahay kapag walang pasok.

Madalas din makita ng aking pinsan na kinakaya ng matanda ang maglakad ng pakapakapa

Kaya minsan naawa ang aking pinsan at inaalalayan niya ang matanda

Minsan nakikita niyang madumi ang mata ng matanda at nililinis niya iyon.

Sa madaling salita naging close sila.

Nang mamatay ang matanda dahil sa sakit nito, isa ang pinsan ko sa nasaktan.

Sa maikling panahon ay mahal na mahal na niya ang matanda.

***

Isang gabi habang natutulog sya, nakita nyang nakabukas ang pintuan ng kanyang kwarto at natatabunan lang iyon ng kurtina.

Dahil maliwanag ang kanilang sala at maliwang nyang nakita ang isang naglalakad

Kung di sya nagkakamali ay pamilyar sa kanya iyon

Napatitig sya saka sumapi sa kanyang katawan ang takot.

Huminto pa ito sa tapat ng kwarto nya.

Sa palagay nya nakatingin ito sa kanya.

Sa takot ay nagtago sya sa ilalim ng kumot nya.

Kahiy pawisan ay di sya lumabas.

Sigurado sya na ang lola iyon

Nakatulugan na niya ang ganun na position.

***

Hindi masyadong nakakatakot ito.
Pero basahin myu ang susunod na kwento na isa sa pinakanakakatakot kung karanasan. Siguradong tatayo ang balahibo nyu.

Salamat sa pagbabasa

Next na ang ANINO

MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon