Ang babae sa hagdanan

237 6 0
                                    

Ito naman ang kwento ng kaklase ko ng nasa high school pa ako.

Guys hindi sya yung tipo ng lalaki na naniniwala sa multo.

Pero itong experience nya daw ang makakapagpabago ng paniniwala nya may nag i-exist pa lang nilalang na commonly known as MULTO.

***
Maagang bumangon ng umagang iyon ang kaklase ko.

Kahit medyo antok ay pinilit nya ang mga mata nya.

Naghilamos sya ng mukha sa kusina saka bumalik sa sala.

Kahit papaano ay nagising na ang katawan nya dahil sa tubig.

Umupo sya sa hagdanan, na patungo sa kanilang kwarto.

(Nasa baba siya)

Wala sa loob na napalingon siya sa likodan nya at may nakita syang babae na nakaputi.

Nakatitig sa kanya.

Nakatayo sa mismong pintuan ng kwarto nya.

Namumula ang mata!

Dahil sa pagkabigla ay napatayo siya sa kinauupuan at napaharap sa hagdanan.

Pero ng nakatayo na siya ay biglang naglaho ang babae.

Ngayon sa tuwing iniisip niya ang babae ay nakakaramdam siya ng takot lalo na at di niya makalimutan ang mukha ng babae na nasa pintuan ng kwarto nya.

***
Iniisip niya kung malikmata labg ba ang nakita nya.

Sa tingin nyu malikmata nga lang ba??

MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon