One year ago...
Mga bituin sa langit ang aking gustong makita gabi-gabi ngunit tila hindi sila magpapakita dahilan sa matinding ulan na nararanasan dito sa aming lugar ngayon. Akoy napasilong muna dito sa tindahan ng bigas hanggang sa tumila ang ulan, sapagkat nakalimutan kong mag dala ng sarili kong payong sa kamamadali kaning madaling araw papunta sa aking trabaho.
Ang dahilan kong bakit ko hinihintay ang paglabas ng mga bituin tuwing gabi ay dahil yun din ang oras na makikita ko ang aking ama. Palagi niya kasing sinasabi sa akin noong bata pa ako na siya ang pinakamalaking bituin sa langit, at naniniwala ako doon dahil sa tuwing tinitignan ko siya nagiging panatag ang aking loob na parang kahit kailan ay walang mangyayaring masama sa akin.
"Allison bata ka, hindi ka na naman nagdala ng payong? Alam mo namang tag-ulan diba?" biglang sermon ng ale na nasa likuran ko.
"Aling Lucil! Kamusta po ang paninda?" masagana kong bati sa kanya.
"Iniiba mo na naman ang usapan, ano? Bakit kasi ngayon ka lang napadpad dito eh kaaalis lang nung truck namin sanay nakasabay ka." mahaba niyang paliwanag sa akin.
"Okay lang po ako, aling Lucil, sanay namana ako sa basaan eh.'
"Nako, bata ka, sige magsisira na ako gusto mo ba ng mauupuan? Pwede naman kitang pahiramin habang naghihintay kang matapos ang ulan."
"'Wag na po, aling Lucil, aalis naman din ako ngayon eh hindi ko na hihintayin pang tumila ang ulan kasi parang bukas pa ito matatapos. Sige po, mauna na ako. Salamat at magingat po kayo sa daan."
"Ikaw rin, anak, pagpalain ka ng Diyos." at doon natapos ang aming usapan.
Habang binabaybay ko ang daan sakay sa traysikel ni Manong Tomas ay nahuli ng aking mata ang isang sasakyan na naka parada sa tulay. Naaninag ng aking mga mata ang bukas na pinto ng driver's seat at ang mga bote ng alak na nagkalat sa paligid ng sasakyan.
"Manong, dito nalang po ako."
"Ano? Anong gagawin mo dito?" tanong niya sa akin habang unti-unting bumagal ang pagppatakbo niya ng traysikel.
Hindi na ako sumagot at agad na tumakbo sa pinaroroonan ng sasakyan pagkababa ko ng traysikel. Kahit na malakas ang buhos ng ulan sanhi upang hindi ko masyadong makita ang nasa paligid ay sinikap kong hanapin ang taong may ari sa sasakyan. Kaba man at takot ang naramdaman ko ay nanaig pa rin ang kuryusidad sa akin na baka may taong kailangan ang tulong ko.
Dahan-dahan kong nilibot ang sasakyan ng makarinig ako ng boses ng isang lalaki at isang nabasag na sa tingin ko ay bote. "Fuck this life! I hate this fucking life!" mahina niyang sabi na animoy nagpipigil lang.
"If only you let me. Maybe, we're still together. I hate this life already and I hate it even more because you're gone now. I don't have anyone to trust anymore. Why did you left me? Look, I'm so miserable." muli niyang sabi.
Sinilip ko siya at nakita ko siyang nakaluhod at nakaharap sa rehas ng tulay. Hindi niya inda ang ulan at ako rin naman. Sa pakiramdam ko hindi naman siya masamang tao at halata namang may pinagdadaanan ang siya. "Sino naman kaya ang umiwan sa kanya?"
"Maybe, it's time for me to follow you. You're my life and now you're gone, I don't think I'm still gonna live in this fucking world." umiiyak siyang tumayo at akmang itataas ang kanyang paa sa rehas ng walang alinlangan akong nagpakita sa kanya. "Wag!" sigaw ko na ikinagulat niya.
"What the fuck are you?" sigaw niya sa akin. Kailangan ko lang ilihis ang kanyang atensyon. Kaya ko 'to!
"Tao ako. Mukha ba akong aso?" pilosopo kong sagot sa kanya.
"What? Can you just leave me alone?"
"Dahil ba iniwan ka ng girlfriend mo. Magpapakamatay ka na rin?"
"Shut up! You don't know anything!"
"Ganyan ka, kasi sumusuko ka na. Akala mo ba masosolve ang problema mo sa pagpapakamatay mo?"
"What if I say yes? I will not feel this feeling of sadness anymore! So you better leave me alone!" kahit sa lakas ng ulan ay maririnig parin ang kanyang matiponong boses.
"Sige, kung gusto mo talagang magpakamatay 'wag dito. Humanap ka ng ibang tulay na gusto mong pakamatayan basta 'wag dito! Gabi-gabi ako dumadaan dito kaya hindi pwede! Baka multohin mo ako hindi natin alam!" sigaw ko sa kanya.
"Whatever." bale wala niya sa sinabi ko.
Saka ko lang napansin na gwapo pala ang lalaking ito. Ang tubig na bumababa mula sa kanyang buhok ay nagdudulot ng kagwapuhan sa kanya. Matangkad siya at makinis ang kutis kahit sa malayuan ko lang siya makita.Nang bumalik ako sa sarili ko ay tatalon na sana siya pero agad naman akong tumakbo at tinulak siya palayo sa rehas ng tulay.
Minulat ko ang aking mata ng hindi ko namalayang napapikit pala ako. Nanlaki ang mata ko ng mapansin kong nasa ibabaw niya pala ako. At ang mukha ko ay isang pulgada mula sa kanyang makinis na mukha. Agad naman akong umalis sa kaninang puwesto ko ng bigla niya akong yakapin. "Hoy, anong ginagawa mo? Bitiwan mo ako!"
"M-mom..." mahina niyang sabi.
"Hoy!" sinigawan ko siya. Hindi ko na kaya yung posisyon namin kaya sinikap kong kumawala at ng aksidente kong mahawakan ang kanyang leeg. Nagulat ako ng para ako napaso sa init. "May lagnat ka! Okay ka lang?" Sinampal sampla ko siya ngunit hindi na siya tumugon. Nagdidelirio siya.
Nabigla ako ng makarinig ako ng boses. "Anak? Ally? Asan ka?" sigaw nito. Si mama yun sigrado ako. "Ma!" "Andito po ako!"
"Anak! Jusmiyo. Anong ginagawa mo riyan? Sino yan?" alalang alala niyang sabi at lumapit samin.
"Ma, tulungan po natin siya nag didelirio po siya he!"
"Ha? Nako halika dito anak tulungan natin siya. Tomas!" pagpayag ni mama na tulungan kami at tinawag si Manong Tomas.
Binuhat namin siya sakay ng traysikel. Si Manong Tomas naman ang nag sara ng kotse upang siguradhing walang makakanakaw nito. Masyado akong nag-aalala sa kanya dahil nanginginig na ito sa lamig. "Kung hindi sinabi sakin ni Tomas na bumaba ka dito hindi ko alam kong saan ka hahanapin, anak, alam mo namang delikado dito pag gabi. Buti hindi ka sinaktan nitong binatang ito."
"Ma, tinulungan ko lang siya kasi gusto ba namang magpakamatay?"
"Kawawang bata."
Nangmakarating kami sa bahay ay binuhat namin siya ni Manong Tomas sa kwarto ko kasi wala nang choice. Si mama naman kumuha ng maligamgam na tubig. "Pakihubad ng kanyang damit anak!" sigaw ni mama. Agad naman akong pinamulahan. "Nay!" sita ko sa kanya.
"Ano, anak?" tanong niya ng makarating sa kwarto. "Walang malisya yan bakit ngayon kapa nahiya eh marami ka namang nahubarang pasyente." sabi niya at umalis.
Tinitigan ko ng matagal ang binata at hinay-hinay ko namang tinanggal ang kanyang damit dahil baka ako pa ang masisi pag namatay ito. Hindi ko alam kung bakit may ganitong epekto sakin ang lalaking ito na sa dinami daming kong pasyenteng lalaki wala akong naramdamang ganito. Bumungad sakin ang matipuno niyang katawan. Hindi ko na malayang hinahabol ko na ang aking paghinga.
