Ignored
Lumipas ang mga araw ay naging mailap sa akin si Dylan. Matapos ang usapan naming iyon ng nakaraang gabi ay umalis naman ito at hindi na nag paramdam sa akin kahit kailan. Oo, at magkaklase kami ngunit ginagawa naman nito ang lahat ng paraan para mapaiwas sa akin. Oo, at kinapalan ko na talaga ang mukha ko para lamang mapalapit sa kanya ng matapos ko na ang misyon ko.
Natatakot ako na mabigo ko ang nasa itaas kapag hindi ko nagawa ang misyong ipinagkaloob sa akin. Paano ko naman matatapos ang misyon ko kong kusa naman itong lumalayo sa akin. Napabuntong hininga nalang ako sa depresyong nadarama.
"Oi, bes, anong nangyari sa mukha mo? Pasan mo ata lahat ng problema ah?" biglang sulpot ni Brenda sa tabi ko.
"Ano ba ang dapat kong gawin para hindi ako iwasan ng taong gusto kong mapalapit sa akin?" tanong ko sa kanya na ikibigla niya. Ang OA niya talaga mag react. Para ko siyang tinanong ng kong ano para lumaki ng ganoon ang kanyang mata.
"Bes, sino yan? May crush ka na ba?!" natitili niyang tanong.
"Grabe siya oh. Dahil gustong mapalapit sa isang tao, crush agad?" sagot ko sa tanong niya. "Hindi pwedeng may kailangan lang?" dagdag ko.
Naputol naman ang aming pag uusap ng may biglang pumasok sa loob ng silid. Kaming dalawa lamang ni Brenda ang nandito sa loob ng classroom kaya malaya kaming nakapagsalita ng malakas kanina. Tumambad ang tatlong lalaki na mala adonis ang mga dating. Kulang sila ng isa. Hindi na naman nila kasama si Dylan.
"Hi, Brenda, right?" tanong ni Zachary kay Brenda. Nginitian naman ako nong dalawang lalaki na sina Eli at Marco.
"Yes. OMG! You know me? Oh my God. I can't believe it! How may I help you?" at nasaniban na nga ng fangirl mode si Brenda.
"Ah... Marco, asan pala si Dylan? Hindi niyo ata kasama?" tanong ko. Sana hindi nila bigyan ng kahulugan ang paghahanap ko sa kaniya.
"Umalis na eh. Nag cutting classes. Magpapakalasing na naman yon." sagot ni Marco sa akin.
"Huh? Ganun ba? Bakit ba siya ganun? Hindi naman siya ganun dati, diba?" hindi ko na ininda kong ano man ang isipin nila sa pagtatanong ko.
"Dylan doesn't want us to tell stories about his life, pero mukhang magiging kaibigan ka naman namin ay okay na rin, Ms. Vice President." ningitian ako ni Eli ng pagkalaki laki.
Oo, vice president ako ng aming student coucil. Dahil sa mataas na grades ko at nangunguna ako sa aming skwelahan ay kinuha akong vice president ng dating vice president ng organization. Ayaw ko man noong una ay wala akong nagawa dahil sa pinilit ako ni ate Michelle na pumalit sa puwesto niya pag siya ay grumaduate.
"Promise. Hindi ko ipagsasabi kong ano man ang sabihin niyo sa akin!" sabi ko sabay cross my heart sa kanila na nagpatawa sa kanila.
"Okay. Dylan is in a state of depression. His mom died last January in a car accident. And he's blaming his self for what happened." simula nito. "And because anak siya sa labas he's not close with his father and step mom, lalo na sa kuya niya. And that is the reason why hindi natuloy ang paglipat ng kapatid niyang si Xavier." dagdag nito.
"Para sa kanya ang mama niya lang ang kakampi niya sa buong buhay niya. At dahil nga sa niloko sila ng papa niya, he has a reason to hate his father." paliwanang pa nito.
Ngayon ay naiintindihan ko ang sitwasyon ni Dylan. Nasa malalim na sugat ang kanyang puso at kailangan niya ng tao na magpapagaling nito. Ano naman ang gagawin ko? Hindi ko naman kayang ibalik ang buhay ng nanay niya. Eh, ang nanay lang naman niya ang nagpapatibok sa puso niya? Hindi ko alam kong ano ang ipapalit ko sa nanay niya?
"What are you thinking?" nabalik naman sa kanila ang aking pag-iisip.
"Ahm... wala ba siyang girlfriend? I mean taong makakapagpasaya sa kanya ulit?" - ako.
"He has a girlfriend before and her name was Athena. Athena left him to pursue her modeling career in Paris and after that they've lost communication." sagot niya sa tanong ko. Pero hindi ko alam pero may parte sa akin na nalungkot pero hindi ko sigurado.
"S-sa tingin mo mahal niya pa ito?" hindi ko maipaliwanag pero natatakot ako sa maaari niyang isagot.
"Maybe, yes, kasi si Athena lang naman ang first love niya and after non wala na siyang naging ibang girlfriend." biglaang sabat ni Marco sa amin ni Eli.
So, maaaring si Athena ang makakatulong sa akin pero paano eh nasa malayo siyang lugar at ni isa sa kanila ay wala nang balita sa kanya? Wala na bang ikahihirap nitong misyon ko? Hayyyy... Diyos ko tulungan niyo po ako.
Hanggang doon na lamang ang aming pag-uusap dahil nag sibalikan na ang ming mga kaklase mula sa kani-kanilang mga break. At si Brenda at Zachary naman ay hindi mapaghiwalay sa kaka usap. Hanggang sa matapos lahat ng subject namin ay hindi na nagpakita pang muli si Dylan.
"Hey, guys, sasabay kayo sa amin?" tanong ni Eli sa akin ng mag siuwian na.
"Nako, 'wag na may meeting pa kasi ako sa student council!" tanggi ko sa kanyang alok. Totoo naman kasing may meeting kami para sa darating na foundation day ng aming paaralan.
"Bes, kailangan ko na din mauna wala kasing magbabantay sa bunso kong kapatid eh. Pasensya ka na ah? Hindi kita mahihintay..." paghihinayang na paalam ni Brenda.
"Naku, okay lang, bes, kaya ko naman ang sarili ko noh. Hahaha!" sabi ko with matching pekeng tawa para hindi na siya mag-alala.
Isa-isa nang naglisanan ang mga tao sa loob ng silid aralan namin. Si Brenda pala ay naki sabay na kina Zachary sa pag uwi. Ang swerte ni bes kasi makakatipid siya ng pamasahe kong inihatid siya nong mga yon. Nailagay ko na ang lahat-lahat ng gamit ko sa bag ko nang may pumasok sa loob ng silid. Ang taong hindi ko inaasahang makita ng hapong iyon.
"Dy-dylan..." ang tangi kong nasabi.
Ngunit hindi ata ito narinig ni Dylan dahil nilampasan niya lang ako. Naamoy ko naman agad ang alak na nag papatunay na uminom nga siya. Nagtungo naman siya sa kanyang upuan at may kinuhang papel na naka suksok sa upuan niya. Ano naman kaya ang nakalagay sa papel na iyon?
"Dylan, kong kelangan mo ng makakausap pede mo akong kausapin." mga katagang bigla na lamang lumabas sa aking bibig.
"Why would you think na kakausapin kita? I don't even talk to friends. Kaya sino ka para kausapin ko?" nasaktan naman ako ng sinabi niya iyon sa akin ng harapan.
"Gusto kitang tulungan. Ituturo ko sa'yo na pwede mo pa ding ipagpatuloy ang buhay mo kahit wala na ang mama mo, Dylan, sa tingin mo ba masaya siya na nakikita kang gany-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng mag salita ito.
"Don't you dare talk about my mother. You don't have the right. We're not friends and I don't even know you, bitch." at tuluyan na siyang umalis.
Hindi ko napansin na napaluha na pala ako. Bakit ba ako na sasaktan ng ganito? Hindi naman dapat ako masaktan kasi hindi ko naman siya kilala. Hindi naman kami mag kaibigan and he's a total stranger to me. Kong hindi ko lang siya misyon ay hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa kanya.
-Here is an update! Merry Christmas! :D
