Heart Attack
Nang makarating na ako ng skwelahan ay nagtaka ako kung bakit maraming tao ang nag kumpulan sa harapan ng aming paaralan. Nagkakagulo ang mga istudyante sa labas at di ko mawari ang dahilan. Sa pagkaka-alam ko wala namang naibabalitang artista o politiko na bibisita sa skwelahan namin.
"Ally!" biglang lingon ko ng may tumawag sa'kin mula sa likod. Agad ko namang na aninag ang presensya ni Lucas na kumakaway sa'kin.
"Lucas, buti andito ka. Ano ba ang meron? tanong ko agad sa kanya.
"Sila na siguro ni Bea 'yan. Diba ngayong yung opisyal na araw na papasok na sila sa skwelahang ito?" sabi ni Lucas habang naka tuon ang tingin doon sa mga nag kukumpulang mga istudyante.
Isang linggo na pala ang nakakaraan ng huli naming makita si Bea. Akala namin makikita namin siya kinabukasan dahil ipapasa niya yung mga papeles nila sa opisina ng skwelahan ngunit laking pagtataka namin ng hindi namin nakita kahit anino niya at yung bodyguard lang niya ang nakita namin.
"Ba't naman sila pinagkakaguluhan?" tanong ko rito.
"Nagkalat kasi ang mga litrato ng mga kapatid niya kaninang madaling araw. May nagpakalat kasi nito at ngayon lahat ng mga babae nabubuang sa kagawapuhan ng mga kapatid niya. Sa nakita ko hindi naman gwapo." paliwanag niya na may kasamang hangin.
"Hoy, Lucas, 'wag ka ngang ganyan. Para sa'kin ikaw parin pinakagwapo sa'min dalawa ni Brenda." sabi ko sabay akbay sa kanya.
"Sinasabi mo lng yan kasi kaibigan mo ako. Hindi naman ako threatened kasi pictures lang naman yun. Malay natin edited yung mga yun diba?" sabi niya. Hay nako Lucas, 'wag kang mag alala kalevel mo naman sila sa kagwapuhan. Hindi ko ng alam ba't hindi ako na hulog sa charms mo. Hihi...
"Ewan ko sa'yo. Hahaha... Hali kana baka mahuli pa tayo!" at nag patianod naman siya sa hila ko sa kanya.
Nabagot ako ng hindi pa dumadating ang guro namin sa ikalawang paksa sa para araw na ito. Mag tatatlong minuto na siyang late. Kaya ang ingay ng klase namin. May mga lalaking nag lalaro ng baraha sa isang sulok. May mga babaeng ginawa nang parlor itong silid aralan namin at meron namang iba na ginawa nang kama ang kanyang upuan. Ganito ang eksena sa tuwing walang guro sa klaseng ito.
Sa labas ng bintana ko na lang itinuon ang aking mga mata. Iginala ko ito at naitutok sa mga ulap. Ano kaya ang feeling ng nasa ulap? Siguro isusulat ko ito sa bucket lists ko. Kaya kinuha ko ang maliit na notebook sa bag. dito kais naksualt lahat ng mga gusto ko na mahirap naman abutin.
My Bucket Lists
☐ Madate si nanay sa isang 5 star restaurant.
x Magkaroon ng asawa at anak.
✓ Makatulong sa kapwa.
☐ Makaligo sa boracay.
☐ Makapunta sa ibang bansa.
☐ Magkaroon ng kabuhayan si nanay.
☐ Makapunta sa ulap.
Di katagalan ay dumating na din ang guro namin dahilan para magsiupo sa kani kanilang mga upuan ang aking mga kaklase. Ang kaninay parang palengke naming silid ay naging isang matiwasay at tahimik na lugar. "Brenda, gumising ka na andyan na si maam." pukaw ko sa natutulog na kaibigan sa aking tabi.
"Okay, class, I have a news for you that I know ay alam niyo na." panimula nito. "May bago kayong classmates." dagdag nito na ikinatuwa agad ng lahat maliban sa'kin na tahimik lamang na nkikinig sa sinasabi ng guro.
"Ma'am! Yung mga Sy ba 'yon?" tanong ng isa kong kaklaseng puno ng make up ang mukha pero hindi naman pinansin ni maam ang kanyang sagot kaya inirapan niya na lang ito.