Kabanata VI

9 1 0
                                    

Road Trip

Ilang gabi ang nagdaan ay hindi ako makatulog, dahil sa kakaiisip ko sa nangyaring hindi sinsadyang pagkakahalik sa akin ni Dylan sa library. Ano ba kasi ang ginagawa niya dun? Para naman kasi siyang kabote kong sumulpot!

Isang linggo ko na din iniiwasan si Dylan at gayun na din sa mga kaibigan niya at kay Brenda. Labag man sa aking loob ang pasya ko ay kinakailangan ko iyong gawin. Hindi ko na kasi maintindihan ang sarili ko sa tuwing nakakaharap ko siya. Bigla na lang kasing lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko mawaring dahilan.

"Nay, si tatay po ba ang naging first and last love niyo?" tanong ko sa kanya na nagpatigil sa kanya sa pag tutupi ng mga bagong labang mga damit.

"O-oo, anak, bakit mo naman tinanong?" hindi ko alam pero parang kinakabahan si inay sa pag sagot sa akin, pero baka ako lang ang nag iisip non kaya hinayaan ko na lang siya. Baka din kasi siya ay nahihiya sa pagbabahagi sa akin ng kanyang love story.

Hindi na nadugtungan ang usapang iyon dahil dumating na si Brenda. May usapan kasi kaming mamamasyal sa mall ngayong sabado.

"Bes!" masaya niyang pag pasok sa aming tahanan. "Tita Lisa, mano po!" pag bati niya naman kay nanay.

"Aba't gumanda ka lalo, hija!" papuri naman ni nanay kay Brenda na ikinatuwa naman nitong lubos.

"Kayo talaga, tita, hindi naman masyado!" sa sagot niyang iyon ay nagtawanan nalang kami nila nanay.

"Ay. Sige, nay, aalis na po kami! Paalam po!" pag papaalam ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Sige, ingat kayo! 'Wag masyadong magpapagabi ah?" pagka sabi niya non ay kumaway na ako at tuluyang lumabas ng bahay.

Nang makalabas kami ng bahay ay tumigil naman si Brenda at tila may hinahanap na ipinagtaka ko. May hinihintay ba kami? "Oi, sino hinahanap mo?" tanong ko sa kanya na puno ng kuryusidad.

"Wait ka lang diyan! Hinihintay ko 'yong service natin!" nagtaka naman ako sa sinabi niya sa akin.

"Service? Bakit pa tayo kumuha ng service? Eh, meron namang jeep doon sa unahan?" hindi ko na talaga naintindihan itong si Brenda.

Maya't maya ay may dumating na isang magarang sasakyan na papunta sa gawi namin ni Brenda. Naging excited naman ng masyado si Brenda sa papalapit na sasakyan at ako ay hindi parin alam kong ano ang nangyayari. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na may service, kaya ako ay nalilito.

"Ayan na sila, bes! Yohhooo!" sigaw nito sa akin sabay kaway-kaway na may kasamang tili.

Tumigil naman ang sasakyan sa harapan namin at agad namang bumukas ang pinto nito at bumungad sa amin ang nakangiting si Eli. "Hi, girls!" napangiwi naman ako ng mapagtanto kong sila ay makakasama namin sa aming pamamasyal.

Nang mabuksan na ni Eli ang pinto ay pumunta naman siya sa may likuran kasama si Zachary at si Marco naman ay nasa harapan dahil siya ang nagdadrive. Si Dylan naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Suot niya na naman ang itim niyang hoodies. Wala na talagang ikakabad vibes itong lalaking 'to.

"Let's go, ladies! I'm so excited for this trip!" oo, nga pala at baguhan lamang sila dito sa lugar namin kaya siguro ganito nalang makapag react itong si Eli.

"Bakit sila kasama? Akala ko ba tayong dalawa-" "Bes, hindi ko sinabi sayo kasi alam kong tatanggi ka! Akala mo ba hindi ko napapansin ang pag iwas mo sa amin? Kong ano mang dahilan mo ay malalaman ko din yan! Hahaha!" tumawa ito na parang baliw tsaka itinulak ako papasok sa sasakyan.

Ang dala nilang sasakyan ay isang van kaya naman kakasya talaga kami dito. Dahil sa pagtulak sa akin ni Brenda ay natalisod ako tsaka nasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Dylan na siyang nakaupo doon sa malapit na bintana.

Now And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon