The Mission
"Bes, okay ka lang ba talaga? Ano ba ang nangyari sa'yo doon kanina at bigla ka nalang sumigaw ng 'wag?" pangungulit sa akin ni Brenda.
Kaninang pagkalabas pa namin ng silid niya tinatanong ang mga katanungang iyan at ngayon andito na kami sa canteen ay ganun lang din ang tinatanong niya.
"Sinabi ko na sa'yo diba? Nanaginip ako pero at the same time parang totoo at nangyari na." paliwanag ko ulit sa kanya.
"Nalolorki ako sa'yo, bes, promise 'yan. Asan na ba si Lucas?" tanong niya habang iniikot ang mga mata sa loob ng canteen. Ako din ay kanina ko pa hinahanap si Lucas. Nakapagtataka, kasi tuwing lunch break nagkikita kami dito sa entrance ng canteen eh pero ngayon wala siya at wala man lang text.
"Saan kaya kumakain yung mga bagong lipat dito sa school?" panibagong tanong ulit ni Brenda. Kung alam mo lang wala din akong ideya.
"Bes, alam mo ba ang dahilan bakit lumipat yung mga iyon dito? Nakapagtataka eh. Ang gaganda ng mga skwelahan nila sa Maynila. Paanong napunta sila dito sa probinsya natin?" tanong ko kay Brenda na nakapagbigay naman sa kanya ng isang malaking katanungan.
Hay... Ang hirap naman ng misyon ko. Paano ko ba babaguhin ang taong maitim na ang anyo? Haha anyo talaga? Ahmm... Katauhan siguro. Pero alam ko mag sisimula lahat ng pagbabago niya sa kanyang puso. Kailangan ko lang mag hanap ng ideya paano ko mapupunterya ang puso niya. Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo. Wala ba siyang mahal sa buhay? Si kupido nalang makakatulong sa'kin. Sana mapana na niya si Dylan na'yon para hindi na ako mahirapan.
"Hindi ka pa pwedeng sumama sa'kin." sabi ng mahaba ang buhok na lalaki na nakatayo malapit sa isang pinto.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya. Sinobukan kong kilalanin ang lalaki ngunit natatakpan ito nga puting usok na kumaklat sa lugar.
"May misyon ka pang dapat tapusin." dagdag niya sa'kin. Nilingon ko ang kapaligiran at wala akong makita kundi puti. Asan na ba ako?
"Misyon? Anong misyon?" tanong ko ulit.
"May tao ka pang dapat tulungan." sabi niya at tumalikod.
"T-tulungan? Bakit ko siya kailangang tulungan? Bakit ako?" tanong ko ulit.
"Ikaw ang makakatulong sa'kin para maibalik ang pagmamahal sa puso ng isang taong napuno na ng galit at puot"
"Ikaw ang nakatadhana para tulungan siya dahil puno ng pagmamahal at kabutihan ang iyong puso." sa huling salita niyang iyon ay nawala na siya at unti-unting nag dilim at nagising ako sa madilim kong silid.
Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa kusina para uminom ng tubig. Napabuntong hininga nalang ako sa taka. Bakit ko ba iyon napapanaginipan? Hindi ko minsan maiwasang matakot kasi nangyari iyon sa totoo kong buhay.
April 20, 2015
Isang masamang araw para sa amin ng aking ina. Isang di inaasahang pangayayari ang gumimbal sa aming pamilya. Isang pangyayari na hindi nais ng kahit na sino man.
"Ma! Masakit na pooooo!" sigaw ko ng hindi ko na matiis pa ang sakit ng ulo ko.
Matagal na itong sumasakit ngunit hindi ko ininda kasi nawawala rin naman pag tumagal at kung naiinuman ko ng gamot. Hindi rin siya palaging umaatake sa'kin. Ngunit ang sakit na nadarama ko ngayon ay hindi na ata isang normal na sakit ng ulo lamang.
Nakita ko si mama na nataranta na sa mga nangyayari. Hindi ko parin napipigilan ang sigaw ko dahil sa kirot na nararamdaman ko sa'king ulo. Hindi ko gusto itong nangyayari. Ayaw kong nahihirapan si mama.
