Kabanata I

13 1 0
                                    


The New Girl

"Aray!" sigaw ko kay Brenda ng batukan niya ako sa ulo. Ginagamot niya kasi ang sugat ko pagkatapos ng klase namin at hindi niya lang talaga mapigilan ang sarili niyang mainis sa akin.

"Ayan kasi eh! Ilang beses mo na ba nilagay sa kapahamakan ang buhay mo?" sermon niya sakin dahil sa pagtatampo."Hindi naman ako namatay eh. Pasalamat nalang tayo may natulungan tayo at walang nasaktan. Ikaw, ang OA mo talaga." pagpapakalma ko sa kanya. 

Nag lalakad kami sa sidewalk ng paaralan namin dahil na pag-utusan kami- ako ng guro namin na kumuha ng isa pang kopya ng kanyang tatalakayan para sa araw na ito dahil hindi sapat ang kanyang nadalang mga kopya para sa seksyon namin. At si Brenda naman gumawa ng paraan para makasama ako dahil tinago niya lang naman ang kanyang kopya. 

"Bes, maya na kaya tayo bumalik nakakabagot ang subject ni maam eh." sabi niyang may kasamang pagkakamot sa kanyang buhok.

"Brenda, nasa senior high school na tayo, isang taon na lang gagraduate na tayo kaya kailangan na nating magfocus kasi malapit na tayong grumaduate. Patapos na din naman tayo sa eleventh grade."

"Ba't kasi nasali pa tayo sa bagong sistema nitong paaralan eh. College na sana tayo." pag mumokmok niya. 

"Hayaan mo na. Wala namana tayong magagawa eh." sagot ko sa kanya ng biglang maagaw ng atensyon ko ang babaeng tatawid na hindi napansin ang paparating na sasakyan.

"Miss! Tumabi ka may sasakyan!" sigaw ko ngunit sigurado akong hindi niya ako narinig dahil may suot itong headset.

Agad na akong tumakbo patungo sa kanya. "Ally, ano ba?" rinig kong sigaw ni Brenda ngunit hindi ko na siya ininda at tinulak ko ang ababe ng makalapit na ako sa kanya. Napapikit ako ng maramdaman ko ang hapdi na sanhi ng galos sa paa ko. Agad ko naman minulat ang mata ko at nakita ko ang babaeng nakatingin sa akin.

"O-okay ka lang?" tanong ko sa kanya. 

Agad namang nagsidatingan nag mga nakakita sa insidente. "Ally, nahihibang ka na ba?" sigaw na sabi sa akin ni Brenda ng makalapit na siya sa kinaroroonan ko.

"O-okay lang ba kayo? Pasensya na talaga may kausap kasi ako sa telepono. H-hind" hindi na ituloy na ginoo ang kanyang paliwanag dahil tinulak na siya ni Brenda.

"Kita mo na? muntik kanang makapataya! Alam mo naman ang patakarang no cellphone while driving diba? Isusumbong kita sa pulis!" galit na sabi ni Brenda sa lalaking bumaba galing sa sasakyan.

"Oi, Brenda, tama na wala namang nasaktan eh." awat ko sa kanya.

"Paano kong nasaktan ka?" hingal niyang sabi.

Dumating na sa eksena ang mga security guard at dinala ang mama sa prisinto. tumingin naman ako kay Brenda na masama ako tingin sa akin. "Salamat, miss, kung hindi dahil sayo siguro hindi ko na alam ang nangyari sa'kin. Kasalanan ko din naman kasi eh hindi ko tumitingin sa dinadaanan ko." paliwanag ng dalaga. 

"O-okay lang wala yun. hehe" sagot ko sa kanya.

"Ewan ko sayo pag ikaw namatay hindi talaga ako iiyak!" pagbabanta niya. 

"Aanhin ko ang luha mo kung patay na ako? Mumultuhin nalang kita. HAHAHA." biro ko sa kanya.

 "Grabe ka, friend, ang sama mo talaga sa akin." umupo siya sa bench at nagmukmok. 

"Hindi ah. Joke lang yun. Libre nalang kita ng ice cream!" alok ko sa kanyang may malaking ngiti sa labi. 

"Ayaw ko. Hindi mo ako madadala sa ganyan." bumusangot ang kanyang mukha dahilan para matawa ako. 

Now And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon