First Kiss
Naging maaga ako sa skwelahan kaya naman batid pa ang pagiging tahimik ng buong campus. Napagpasyahan kong dumaan muna sa classroom bago ako ihatid ang mga dala dala kong mga papel sa student council office.
Nagtaka naman ako kong bakit nakabukas na ang pintuan ng aming silid. May naka una pa pala sa akin? Ang aga naman niya atang dumating. Baka si Brenda? Kaya sumilip ako sa loob ng may tumawag sa aking pangalan.
"Allison!" may biglang tumawag sa aking likuran.
"B-Bea? A-anong ginagawa mo dito?" galak kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi siya nakikita simula nong una naming pagkikita.
Oo, at hindi kami magkapareha ng year level, pero sa liit ng aming campus ay hindi mo naman maiiwasan na magkita kayo sa isat-isa. Kaya nakakapagtaka talaga. Pero siguro nga ay hindi talaga magkatugma ang aming mga panahon.
"Hinahanap ko kasi ikaw!" masaya niyang sabi sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.
"Bakit? Anong meron?" pagtataka ko namang tanong sa kanya. Kahit na nakasuot siya ng simpleng uniporme namin mababatid mo pa rin na galing siya sa may kayang pamilya.
"Kaklase ka ni kuya diba?" tanong niya sa akin na ikinalito ko naman. Sino naman 'yong kuya niya?
"Huh?" ang tangi kong nasabi dahil iniisip ko kong sino sa mga kaklase namin ang kuya niya.
"Si Dylan! Kuya ko si Dylan! Hindi mo alam?" sambit ni Bea na nagpatunog sa aking utak. Sa hindi ko malamang dahilan ay nadarama ko na isang malaking tulong para sa aking misyon si Bea.
"T-talaga?" nag liwanag naman ang aking expression sa nalaman.
"Yes. And I need your help on something." nakangiti nitong ipinaalam sa akin.
Nag simula na ang klase pero hindi ko pa din maialis sa aking isipan ang pabor na hinihingi ni Bea sa akin. Magandang ideya naman na sumangayon ako sa pabor niya kaso hindi ko naman alam kong papayag si Dylan. Gusto kasi ni Bea na samahan ko si Dylan sa Davao para sa isang party na sana ay dadaluhan nilang dalawa ngunit sa kadahilanang hindi siya makakapunta ay kinailangan niyang humanap ng kapalit niya.
Napadako ang aking tingin sa lalaking nakaupo sa aking harapan. Ang kanyang matikas na mga balikat ay nagbibigay ng magandang anyo sa kanya. Nalulungkot ako kong bakit puno ng hinagpis ang kanyang puso.
Himala pala ang araw na ito kasi hindi umabsent si Dylan. Mabuti naman kong ganun. Naalala ko naman ang nakatambak na mga papel sa aking mesa na nakalimutan kong ihatid sa faculty room ng student council dahil sa pag uusap namin ni Bea.
Nang nag break ay lumipat naman sa aking tabi si Brenda. "Bes, ang hirap ng lesson natin ngayon! Turuan mo ako pag may time,ah?" sumang ayon naman ako sa kanya pero ang atensyon ko ay nakatutok lamang sa papaalis na si Dylan na kaagad namang sinundan ng kanyang mga kaibigan kaya ito napatigil sa pag exit. Grabe naman hindi marunong mag paalam?
"Guys, want to join us for lunch?" yaya nila Marco sa amin ni Brenda at naging dahilan para mag ingay ang mga babae naming classmates.
Araw- araw ay hindi mawawala ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa labas ng aming silid dahil lahat sila ay gustong makita ang apat na mga lalaking bagong lipat sa paaralan. Para sa kanila ay mga bagong tanawin ang apat na lalaki sa kanilang mga mata.
"Ay. Naku, hindi ako pwede eh. Si Brenda nalang, ihahatid ko pa kasi itong mga papel sa faculty room." pagdadahilan ko na totoo naman.
Hay... Iiwasan ko na lang itong si Dylan baka kasi hindi naman siya 'yong misyon ko. Maybe ibang tao pala ang dapat kong tulungan at baka nag aaksaya lang ako ng panahon sa kanya.