The Adventure
Nagising ako dahil sa maingay at matulis na tinig ni Brenda. "Oi, bes, gising na! Andito na tayo, oh!" inimulat ko naman ng kaunti ang aking mga mata at saka ito kinusot ng aking mga kamay. Ano na ba ang oras? At bakit ako inaantok? Ang gusto ko lang ngayon ay matulog!
Lumabas ako ng van at isang malamig na hangin ang dumaan kaya naman ako ay napayakap sa sarili. Ang lamig ng lugar at ang ganda ng simoy ng hangin. At mababatid mo talagang malayo ito sa polusyon ng syudad.
"Andito na tayo. Dito tayo mag papalipas ng gabi!" masayang sambit ni Eli na ikinabahala ko naman.
"Teka? Dito tayo matutulog?" bulalas ko naman. Wow at ako lang naman ata ang walang kaalam-alam sa lakad na ito eh noh?
"Bes, 'wag kana mag react, please?" hinila niya ako sa tabi tsaka nag puppy eyes sa akin. "Kahit minsan ienjoy naman natin ang sarili natin. Hindi 'yong puro problema nalang. Sige ka tatanda ka ng mabilis niyan!" inakbayad naman niya ako.
"Ano pa nga ba? May magagawa pa ba ako?" sabi ko ng nakanguso sa kanya tsaka niya naman ako hinalikan sa pisngi.
Pumasok kami sa loob ng lodge at mababatid mo talaga na magara ang lugar na ito. Mataas ang kisame at mukhang kulay ginto sa loob dahil sa repleksyon ng ilaw sa mga natural na kagamitan.
"Ang sosyal naman dito!" sigaw ni Brenda na nag echo naman sa loob. Gayun din naman ang apat na lalaki ay namangha din sa lugar.
"Good morning, ma'am and sir! Welcome to Pinegrove! Do you have any reservations?" tanong ng magandang babae na nasa information desk. Napanguso naman ako ng mapansin kong masyadong malaki ang ngiti niya sa mga kasama naming mga lalaki.
"No, we didn't. Is it necessary?" casual na sagot ni Zachary sa kanya.
"Not really, but I am very sorry to inform you, sir, but family room is the only available room as of this moment." masamang balita nong babae sa amin. Family room? Kasya naman siguro kami doon.
"Okay. We'll take 2 family rooms then." nakangiti nitong sabi.
"Sir, we have one family room left." nag aalangang ngiti ng babae.
"What?" bulalas ni Zachary sa nalaman.
"There was an unexpected booking and they almost took all the rooms." paghihinayang sa paliwanag ng babae.
"Ahh... okay." sabi ni Zachary na tumango-tango lamang tsaka tumingin sa amin na nasa likuran niya. "What? Are we going to take it?" tanong niya sa amin at tumango na lang din sina Marco at Eli.
"Family room have six single beds and one sofa bed and there is no free breakfast, sir." pagbibigay alam noong babae sa amin.
Habang busy naman sa pakikipag-usap si Zachary sa babae sa information desk ay nagsalita naman si Eli. "Girls, don't worry harmless naman kami, eh! Kahit nasa iisang room lang tayo I promise you wala kaming gagawin na masama sa inyo. Actually we owe you guys a lot for accompanying us here." pagpapaliwanag naman ni Eli. Hay... kahit alam kong wala naman silang gagawin sa amin ay nakakatakot pa rin kasi lalaki pa rin naman sila.
Nag pumasok kami sa aming salid ay namangha ako. Ang ganda ng kwarto at up and down ito. Sasalubong sa iyo ang isang paikot na wooden stairs tsaka may apat na single beds na nakahilera at may kasama pang tv sa harapan ng isang sofa. Umakyat naman kami ni Brenda sa taas at sumunod sina Eli at Dylan.
"It's perfect! This is going to be your place." humarap sa amin si Eli na nakangiti.
Talagang sakto sa amin ang nakuha naming kwarto dahil eksaktong may dalawang kama naman sa taas. Parang attic ito sa taas pero open space naman at maliwanag at may sarili din itong cr. Gusto ko na tuloy matulog. Napaisip naman ako bigla na wala kaming pampalit.
