Chapter 2

42 4 1
                                    

Chapter 2 : Mission Possible

Kainis ang mga tao dito.

Super !

Parang bagay akong mamahalin na di talaga nila maalis ang mata sa 'kin. Mga ignorante. Ngayon lang ba sila nakakita ng froglet na pinahiya ng isang dyosa ? Aba , bagay naman talaga sa kanya na inaapi siya. Ang panget niya kaya. Sa unang tingin palang masasabi mo na kapatid niya si Kokey.

Or ina ni Kokey.

" Ito na po ang bag nyo , Miss Aphrodite " nilahad niya sa 'kin ang paper bag at kinuha naman ng muchacha ko na taga-bitbit.

Oops. I forgot to inform you na kapag magmamall ako dito , may muchacha ng nakareadyng bumitbit ng mga gamit kong bibilhin.

Taas nuo akong lumabas sa shop ng Prada. Mga nagkukumpulan , wasak.Dapat lang silang maggive way no.Mga tingin nakadikit na sa 'kin. Atensyon na sa 'kin. Lahat na sa 'kin ----- AHHRRGGG.

That 'ONE' thing. I almost forgot it. Dapat bukas , mapasakin din yun agad-agad.

" How much is this ? "

" 5.9 million pesos po , Miss Aphrodite "

Oohh. I really like the design of this necklace. Napakasosyal ng dating. Parang pinaglihi sa 'kin.Hhhmm.

" I will buy thi---- "

" Magkano 'to ? "

Aba.Aba.Aba. Someone cut me off.

" 5 thou----- "

" Ehem " pagubo ko ng FAKE. Like duh ! Wala akong plema. Eww.

Humarap naman yung bruha.

" Oohh. May pera ka na pala ngayon ?! Magkano ang nanakaw mo ? 5.9 million pesos ?! " bungad ko sa kanya.

That pest.

" Aphrodite , wala akong ninakaw. Ba't ba ang init ng ulo mo sa 'kin ? " painosente effect naman 'tong pesteng prosting ito.

" MERON kang ninakaw. At kung bakit ang init ng ulo ko sa 'yo ? *smirk* Ang pangit mo kasi . Nakakadagdag ka sa polusyon at Kahit saan ka pupunta , magmimistulang smokey mountain ang paligid. " sabi ko na nakapamewang na.

Damn. Nagshopping ako para makapagrelax pero tong prosting to nagpakita pa sa kin. Yes. Ang prosting monster nagshopping din. Kasi naman ang rami na nyang perang nanakaw sa bolo ko.

" How dare you to speak to me like that ? "

" How dare you too " I flipped my hair gorgeously. And walk prettily.

" Next month din , ikakasal kami ng lolo mo. At sisiguraduhin kong magdudusa ka. *tawa ng sarscastic* Excited na nga ako e "

FUDGE. That bobo plus tangang matanda. AHHRRGG.

" Ganun ba ? Pwes , sisiguraduhin ko ring hindi matutuloy ang kasal "

FCK .

Bwisit talaga yung matanda na 'yun ! Nagpropose na pala sa prostitute na 'to.

Kakausapin ko yun.

*MANSION 2

" Afternoon Miss Aphrodite " agad na bati ng mga maid habang ako'y padabog na naglakad patungo sa elevator.

Yeah. May elevator 'tong Reganiella Mansion. Kasi naman 6 floors 'to at ang tanda na ng nakatira dito.

*tiinngg

Nasa 3rd floor lang ang kwarto ng tanda.

" Go---Bad Afternoon po , Miss Aphrodite " tiningnan ko lang ang maid at inirapan agad .

Mabuti naman na alam niyang BAD ang afternoon ko.

Nang nasa harapan ko na ang kwarto ni tanda. Agad akong pumasok at wala akong pakialam kung sasabihin nilang wala akong respeto. Aba , hindi naman siya bagay bigyan ng respeto.

" O , Anto---- "

" It's Aphrodite " pagputol ko sa kanya.

Peste. Talagang alam pa niya ang real name ko.

" What brings you here , apo ? " nakaupo lang si tanda sa swivel chair. Ang rami ngang papeles na dapat niyang permahan pero I DON'T CARE.

" So , totoo bang nagpropose ka na sa 'PROSTITUTE' na 'yun ? " nakatayo lang ako sa harapan niya habang nakacrossed arms.

" Yeah , it's true " walang alinlangan niyang sagot.

Grr. Lalong uminit ang ulo ko. Grabe. Masaya siyang fiance na niya yung prosting yun ?

" Magpapakasal kayo sa prosting yun ? A P.R.O.S.T.I.T.U.T.E . Pano na ang mamanahin ko ? Sa kanya na lang ba mapupunta ang lahat ? Ha ?! Pinaghirapan yun ni granny , tapos mapupunta lang sa di kapamilya natin ? And worst , sa isang prostitute pa "

" Healthy pa naman ako ah , at , 'wag kang mag-alala . "

" Tss. I want you to broke up w/ her ! "

" Aphrodite , 'wag na matigas ang ulo. Eto , magshopping ka "

Dalawang Platinum Card ang binigay niya sa 'kin.

" Hindi na ako bata , and besides , kaya ko namang itigil ang kasal ninyo mag-isa "

" Aphrodite , just let me handle this. Sige , pupunta pa 'ko sa hotel "

Kung ayw niya talaga itigil ang kasal , pwes , ako. Ako mismo ang titigil.

----------------

She's a DeceiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon