WTH?!

41 4 0
                                    

CHAPTER 2 – WTH

"Oh oh." yun na lang ang tanging nasabi ko ng makitang unti-unting nahuhulog sa damuhan ang mga piraso ng nabasag na salamin at kasunod nuon ay ang paglabas ng ulo ng aming principal mula sa bintana.

"Sinong may kagagawan nito? Ha? Sino?!" narining kong sigaw ng principal. Sa takot ko ay dali-dali akong tumalikod at hinila palayo si Jane.

Napalingon akong muli sa gawing iyon ng marinig ko na naman ang boses ni Principal. Nakita kong galit na galit nyang itinuturo ung taong bumato sakin kanina. Tumakbo na ako dahil sa takot pero bago pa ako makalayo ay narinig kong tinawag ni Principal yung lalake. Kung hindi nyo naitatanong eh takot kaming lahat sa Principal namin. Kilalang terror kasi yun ng mga estudyante.

"Skye! Ikaw talagang pasaway ka!" himalang kilala ni Principal yung lalake at Skye pala ang pangalan nya. Matagal ko na syang nakikita dito sa school pero hindi ko alam ang pangalan nya.

"Halika na, Jane! Bilis. Baka tawagin din ako ni Principal." Hawak hawak ko ang braso nya habang tumatakbo.

Habol ang hininga namin ni Jane ng makarating kami sa canteen. Dere-deretso kami sa loob saka pumila at bumili ng makakain namin. Sana hindi kami sinundan nung Skye na yun. Kasalanan naman nya yun eh! Buti nga sa kanya!

Normal na maingay dito sa canteen. Lagi naman eh. Madalas na may binubully, may nagmemake-up at nagdadaldalan. Psh!

Nang makatapos kaming kumain ay niyaya ko agad sya pabalik sa room. Makakalimutan ko na sana yung tungkol sa aksidente kanina. Naalala ko lang nang madaanan namin yung lalake at masamang nakatingin sakin.

"Magbabayad ka sa ginawa mo." narinig kong sinabi nya pagkalampas naming sa kanya kaya napalingon ako.

" narinig kong sinabi nya pagkalampas naming sa kanya  kaya napalingon ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May sinasabi ka?" tanong ko.

Hindi sya sumagot sa tanong ko pero lumapit sya at tumigil sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng unti unti nyang inilapit sakin ang mukha nya. Amoy na amoy ko tuloy ang sigarilyo. Madalas ko syang nakikitang naninigarilyo eh.

"Ang sabi ko, magbabayad ka." halos 1 inch lang ang pag-itan ng ilong nya sa ilong ko. In fairness, mabango ang hininga nya. Psh, mahalaga pa ba yun?

Kunot noo ko syang itinulak palayo sakin. Susuntukin ko na sana pero pinigilan ako ni Jane.

"Pwede ba?! Wala akong kasalanan sayo, ok? Nauna akong tinamaan ng bola kaya ikaw ang magbabayad!" sigaw ko sa kanya.

"Ako pa talaga? Hindi mo ba alam kung anong ginawa sakin ni Principal ha? Ikaw dapat yun eh." masama ang tingin nya.

"Anong ako? Kasalanan mo yun kaya tama lang kung ano mang ginawa sayo ni Principal at wala akong pakialam dun!" wala din akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng iba pang estudyante.

"Kung hindi ka lang babae naku, baka di ako nakapagpigil sayo. Tandaan mo talaga 'to, magbabayad ka makikita mo." banta na naman nya bago sya tuluyang umalis.

My DaisyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon