CHAPTER 1 - LEFT BEHIND
"Bwisit na kuya yan. Walang silbi! Iwanan ba naman ako ng walang pasabi kung saan sya pupunta at kung kelan sya babalik? Ano ng gagawin ko sa buhay nito? Mabuti sana kung Iphone o Samsung yung iniwanan nyang phone. Eh di sana naibenta ko pa para naman may pambaon man lang ako kahit papano. Kaso hindi eh! Simpleng android phone lang 'to na mukha namang china phone lang. Takte talaga! Naku wag na wag babalik yung bakulaw na yun dito kundi makakalbo ko talaga sya ng wala sa oras! Grrrrrr!" mahaba kong litanya sa harap ng salamin sa kwarto ko.
Sino ba namang hindi magagalit kung paggising mo, isang note ang bubungad sayo na hindi mo mapaniwalaan ang nilalaman? Iniwan lang naman ako ng magaling kong kapatid. Hindi man lang nag-iwan ng atm card o credit card man lang. Paano ako mag-aaral nyan? Paano ako mabubuhay nyan?
Wala na nga kaming magulang tapos iniwanan pa akong mag-isa ng magaling na lalakeng un? Lagot talaga sya sakin pagbalik nya. Kakalbuhin ko talaga sya at pati buhok sa hita nya, kakalbuhin ko din. Makikita talaga n'ya. Grrrrrr!
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa. Pagkatapos kong magdabog ay kumilos na din ako at naghanda para pumasok. Senior highschool lang ako pero iniwanan ako ni kuya. Ano namang gagawin ko dito sa phone na ito eh meron na akong cellphone? Di hamak naman na mas maganda yung ginagamit ko kesa dito sa ibinigay niya. Haaaayyy talaga!
Halata bang galit na galit ako? Hindi lang kasi talaga ako sanay na iniiwanan ni kuya. Sanay ako na nandyan lang sya palagi sa tabi ko. Lowbat pa yata 'tong phone na iniwanan nya. Naku talaga naman! Mabuti pang iwanan ko na 'to.
Padabog kong nilakad ang way papunta sa school namin. Tutal maaga pa naman at walking distance lang naman ito, maglalakad na lang ako. Mag-aaksaya lang ako ng pera kung magtatricycle pa ako.
Nakatungo akong naglalakad kaya hindi ko napansin ang nabunggo kong poste. Sa lakas ng impact sa ulo ko, natumba pa ako. Kundi ba naman tanga 'tong poste na ito at pahara hara sa dadaanan ko.
"Hoy poste! Peste ka! Alam mong dadaan ako, bakit nakaharang ka? Ha?" asar na asar kong sigaw sa poste. Alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko pero asar na asar lang talaga ako kaya pati ito, napagbuntunan ko.
"Hahahaha. Kundi ka ba naman shunga." napalingon ako sa nagsalita. In an instance, sinamaan ko sya ng tingin. Nakasandal sya sa may pader. Sa pagkakatanda ko, ito ung matagal ng nag-aaral sa school namin. Hindi ko alam kung bobo ba talaga sya o bobo lang talaga kaya hindi makagraduate graduate. First year pa lang ako, nasa school na ito eh. Inabutan na sya ng K-12, hindi pa din gumagraduate.
"Sino sa tingin mo ang sinasabihan mo ng shunga ha? At pinagtatawanan mo ba ako?" singhal ko sa kanya. Loko 'to ah. Ako pa talaga yung napili nyang asarin. Oh God!
BINABASA MO ANG
My Daisy
RomanceShe's 16, pure, innocent and kind. She got no one except for her brother who loves her so much. Paano kung isang araw ay umalis ito ng walang pasabi at ang tanging iniwanan lang ay isang cellphone. No more, no less. This phone will be the only way f...