Bboom bboom

41 2 0
                                    




CHAPTER 8 – Bboom bboom

Kaira

"Oh!" sabay sabot sakin ni Skye ng lata ng beer.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saang lupalop ako dinala ng kutong lupa na 'to. Ang alam ko lang nasa mataas na lugar kami. Nakikita ko sa malayo ang naglalakihang mga gusali at marami namang puno sa kung nasaan kami. Medyo dumidilim na kaya kitang kita ko ang mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan at sa mga buildings.

"Try mo kayang nguyain yung lata?"

"Tss. Hindi ako umiinom." Ibinaba ko sa gilid ko ang beer pero kinuha ko ang plastic na bitbit nya kanina.

"Alam mo ba-" hindi nya naituloy ang sinasabi nya dahil sumabat agad ako.

"Hindi ko alam at wala akong balak alamin." Sabi ko habang pumipili ng pwedeng kainin. Isang chichiryang may cheese flavor ang napili ko saka binuksan ito.

"Makinig ka nga muna." Akmang magsisindi ng sigarilyo si Skye pero natigilan ito at itinapon ang hawak na sigarilyo. Aba himala.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" hindi porke wala akong kasama sa bahay ay pwede na akong magpagabi ng uwi. Malalagot ako nito kay kuya kapag nalaman nya ang pinaggagagawa ko dahil sa tukmol na 'to.

Hindi na ulit nagsalita si Skye kaya kinuha ko ang phone ni kuya. Dapat kong ipaalam kay Daisy kahit papaano kung nasaan ako. Para halimbawang may mangyaring masama sa'kin, at least merong isang nakakaalam kung sinong kasama ko.

Magtatype na sana ako ng marinig ko syang bumuntong hininga. May problema kaya sya? Parang hindi sya yung normal na sarili nya eh.

"Pumupunta ako dito kapag nalulungkot ako." Panimula nya. So malungkot sya ngayon, ganun ba?

"Ano namang kinalaman ko sa pagiging malungkot mo?"

"Wala namang ibang tao dito so nagagawa ko kahit anong gusto kong gawin. Naiisigaw ko kahit anong gusto kong sabihin. And more than that, naiilabas ko lahat ng sama ng loob ko." Sabi nya sabay tingin sa akin kaya napalingon din ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya kaya tumingin na lang ulit ako ng deretso at pinagmasdan kung gaano kaganda ang tanawin sa baba.

"Sumigaw ka na kung gusto mo. Kahit na magsayaw ka pa, wala akong pakialam."

Hindi nya ako tinugon. Sa halip ay kinuha nito ang cellphone nya mula sa bulsa nya at nagpipindot dito. Maya-maya pa ay may narinig na akong pamilyar na kanta.

Psh. Bboom bboom ng Momoland. Wag nyang sabihin na sasayaw nga sya?

Hindi nga ako nagkamali dahil nang magsimula ang kanya ay tumayo din si Skye mula sa pagkakaupo at saka sumayaw na parang timang. Bipolar ba 'tong taong 'to?

Nung una ay nakasimangot lang ako habang nanunuod sa kanya pero sa pagtagal ay natatawa na din ako. What the heck? Kuhang-kuha nya ang galaw ng Momoland. Pwede na syang pumalit kay Nancy eh!

Nung malapit na sa chorus part ay bigla syang lumapit sakin at hinila ako patayo. Hawak nya ako sa dalawang kamay ko habang nasa likod ko sya at pilit na pinapasayaw.

Give it to you
My nunnunnunnunnunnun nunbit
Ssodajineun My teoteoteoteoteoteo teochi

Hanappunin My reobreobreobreobreob My Luver
Nae meoributeo ppumppum
Nae balkkeutkkaji ppumppum ppumppum eo

Pagkatapos ng chorus ay binitawan na nya ako kaya naman umupo na lang ako ulit at tawa ng tawa habang pinapanuod syang magsayaw. Daig na daig pa nya yung ibang babae sa lambot ng katawan sa pagsasayaw. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Skye. Kanina lang, kala mo pinagbagsakan na sya ng langit at lupa kung makabuntong hininga tapos ngayon ay para syang professional dancer sa pagsasayaw.

My DaisyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon