CHAPTER 11 - PWET NG ASO
KAIRA
Nahampas ko ng wala sa oras ang bestfriend ko, paano ba naman kasi kung anu-ano ang pumapasok sa isip nya. Tama ba namang itanong kung kami daw ni Skye?
"Never! At hinding-hindi magiging kami dahil di ko type ang gurang na yun, okay? Kalimutan mo yang itinanong mo." singhal ko sa kanya.
"Okay, so hindi kayo ha? Ang dami kasing nagtatanong sakin eh. Classmates natin o hindi, itinatanong nila kung kayo daw ba kasi lagi kayong magkasama lately. Sabi ko nga sa'yo magtanong eh. Ayaw naman nila kasi natatakot sila sa'yo." andito na kami sa may lockers at kinukuha ang gamit namin.
"Porke ba magkasama kami na agad? Di ba nakwento ko na sa'yo Besh na ginagawa akong alipin ng taong yun?"
"Well, oo. Pero Besh, infairness, gwapo naman talaga si Skye. Bagay pa sa kanya yung kulay ng buhok nya. Of all the students nga yata dito sa school natin, sya lang ang may K na magganun ng buhok"
Ano bang kulay ng buhok ni Skye? Silver? Blonde? Ah ewan. Hindi ko naman kasi pinapansin yung mga ganung bagay.
"Gwapo? Baka g*go. Hahahaha." siguradong lagot ako kay Skye kung narinig nya ako.
"Grabe ka, Besh! Makagago ka naman dyan. May narinig ako about dun sa taong yun. Hindi naman daw talaga mahina ang ulo nun eh. Matalino nga daw pero hindi nila alam kung bakit hanggang ngayon nandito pa din yun. Ang alam ko first year pa lang tayo, nandito na sya. Eh graduating na tayo ng Senior High, nandito pa rin sya. Tanong mo nga Besh kung bakit."
"Ayoko nga, Besh! Baka sabihin pa nun nakikichismis ako sa buhay nya. Tsaka hayaan na nga natin yung tao, gusto nya yun eh."
"Sabagay. Baka naman trip na trip nya lang talaga na magtagal sa school. Maraming pera eh. Hehehe."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Jane. "Tara na?" yaya ko sa kanya.
"Tara, Besh. Ay last na pala."
"Ano na naman yun?" halata sa boses ko na iretable na ako.
"Alam mo bang maraming naiinggit sa'yo kasi nga lagi kayong magkasama ng lalaking yun?" sa akin maiinggit? Bakit naman? Kung alam lang nila.
"Talaga? Kung gusto nila, sila na lang ang sumama sa lalaking yun. Sabihin mo sa mga nagtatanong sa'yo, walang kainggit-inggit dun. Tara na nga. Baka malate pa tayo." hindi ko na binigyan ng chance pa na magsalita si Besh dahil hinila ko na sya sa braso.
Mabuti na lang at nauna pa rin kami sa professor namin na makarating sa room kundi lagot kami, medyo mataray pa naman yun.
Hindi na din namin napag-usapan pa ulit ni Besh si Skye. Marunong din naman kaming makinig kapag may teacher na sa unahan. Nakakasagot din sa recitation kapag tinatawag. In short, normal na buhay estudyante.
BINABASA MO ANG
My Daisy
RomanceShe's 16, pure, innocent and kind. She got no one except for her brother who loves her so much. Paano kung isang araw ay umalis ito ng walang pasabi at ang tanging iniwanan lang ay isang cellphone. No more, no less. This phone will be the only way f...