CHAPTER 10 – Ddu-du-ddu-duKaira
Nagpahila na lang ako kay Skye kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Tutal wala din naman akong magagawa dahil sa bawat paglakas ng boses ko, pumipintig ang ulo ko. Napansin siguro nyang napapahawak ako sa ulo ko dahil bigla syang lumingon sa'kin at tumigil sya sa paglalakad kaya naman napaumpog ang ulo ko sa likod nya. Binitawan nya ang kamay ko at saka humarap sa'kin.
"Aray! Bakit ka ba biglang tumigil?" tanong ko habang sapo ang noo ko.
"Kaya mo bang umakyat ng hagdan?" sira talaga 'to, tinatanong ko tapos tanong din ang isasagot sa'kin?
Hindi ako sumagot kaya nabigla ako ng bigla nyang hawakan ang dalawang kamay ko at inilagay sa balikat nya. Napansin ko na lang na nakaangat na pala ang paa ko at buhat na nya ako sa likuran. Piggy back.
"I-ibaba mo nga a-ako. Pinagtitinginan tayo." Bulong ko sa kanya.
Pero imbes na ibaba ako ay nagtuloy-tuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may hagdanan.
"Kapit ka lang ha." narinig kong sabi ni Skye.
Nahihiya man ay kumapit pa rin ako ng mahigpit sa balikat ni Skye baka kasi mamaya eh ilaglag pa ako ng isang 'to. Iniiwasan kong mapadikit ang katawan ko sa kanya dahil naiilang talaga ako. Idagdag mo pa yung mga bulungan ng mga estudyante na nakatingin samin pero parang wala namang pakialam ang lalaking 'to. Lunch time na nga pala kaya maraming nagkalat na estudyante.
"Handa ka na?" tanong ni Skye.
"Huwag mo akong ilalaglag kundi lagot ka talaga sa'kin" banta ko sa kanya.
"Basta kumapit ka lang at magtiwala sa'kin." Tumango lang ako bilang tugon.
Maya-maya pa ay nag-umpisa ng humakbang si Skye paakyat ng hagdan. Parang wala lang naman sa kanya na buhat nya ako sa likuran nya dahil hindi man lang sya humihinto sa pag-akyat. Tuloy-tuloy lang sya hanggang sa makarating kami sa may pinto ng rooftop at saka nya ako ibinaba. Ilang floors din yung inakyat namin, malamang napagod na sya.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.
Sa halip na sumagot ay hinila lang nya ang kamay ko palabas ng pinto papunta sa lamesa. Saka ko lang napansin na may nakapatong palang mga pagkain sa ibabaw nito.
"Kumain ka na. Para makainom ka na din ng gamot mo."
"Ikaw ang naghanda nito? Anong meron?" tanong ko.
"Wala, basta kumain ka na lang." pilit akong pinaupo ni Skye sa upuan sa harap ko.
Bakit ang bait yata ng taong ito ngayon?
"May gayuma ba 'to? Ha?" tanong ko habang inaamoy amoy ang ulam. Caldereta yata ito eh. "Aray!" reklamo ko. Paano ba naman pinitik nya ako sa noo.
"Gayuma ka dyan! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin yun. Kumain ka na nga lang. At pwede ba, wag mong amuyin yung pagkain, mukha kang unggoy." Saka sya umupo sa harapan ko at kumuha ng kakainan nya.
"Tss! Ang sama mo! Mabuti na yung sigurado kaya ko inaamoy." Sabi ko habang hinihimas pa rin yung noo kong pinitik nya.
"Walang gayuma 'to. Ang sarap kaya ng luto ko." Sabay subo nya sa kutsarang puno ng kanin at ulam. Pero tama ba ang narinig ko?
"Ikaw talaga ang nagluto ng lahat ng 'to?" hindi naman sa OA ako pero ilang klase ng putahe din ang inihanda nya. "Fiesta ba ngayon? Ba't hindi yata ako nainform."
"Puro ka kalokohan. Sabing kumain ka na lang habang mabait pa ako." Hindi ko na sya sinagot at kumuha na lang ako ng pagkain ko. Mamaya eh baka hindi na nga nya ako bigyan sa kakatanong ko.
BINABASA MO ANG
My Daisy
RomanceShe's 16, pure, innocent and kind. She got no one except for her brother who loves her so much. Paano kung isang araw ay umalis ito ng walang pasabi at ang tanging iniwanan lang ay isang cellphone. No more, no less. This phone will be the only way f...