CHAPTER 5 – SKY EYE 2
"Waaaaahhhhh!!! Bat mo ba kasi ako isinakay sakay dito?!" galit na galit kong hinampas si Skye. Ayoko talaga sa mataas, takot ako sa matataas na lugar.
"Aray naman! Pwede ba, tumigil ka nga ng kamamaktol mo. Tumingin ka kaya sa labas, wag mong isipin yung mataas na lugar. Magfocus ka sa mga makikita mo." sabi ni Skye habang hinihimas himas ng kanang kamay nya yung kaliwang braso nya na nakahawak sa kamay ko para pigilan ang panghahampas ko sa kanya.
"Ayoko nga! Wala namang magan- Huwoooow..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa ganda ng nakikita ko. Ang ganda dito sa taas. Kitang kita ko ang buong Tagaytay, pati ang Taal ay nakikita ko rin. Manghang mangha ako sa ganda ng paligid. Maingat akong kumapit sa handle at saka lumapit sa bintana.
"O di ba? Sabi sayo eh. Enjoy the view." hindi ko na muna pinansin si Skye. Sa halip ay nagfocus ako sa nakikita ko. Tama nga sya, maganda dito sa taas. Pero hindi nito maaalis ang takot ko at pag-iisip na mahuhulog kami.
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa baba at dahil doon ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa handle kaya muntik na akong matumba. Napapikit ako ng mariin dahil akala ko, babagsak ako pero buti na lang nasalo ako ni Skye. Nanlaki ang mata ko pagmulat ko dahil ang lapit na ng mukha nya sakin. Wala sa loob na nasuntok ko sya sa mukha kaya napalayo ako sa kanya.
"Bakit mo ko sinuntok?" reklamo nya habang hinihimas nya yung parte ng mukha nya na nasuntok ko.
"So-sorry. Kala ko kasi hahalikan mo ko." paliwanag ko. Ramdam kong namumula ang mukha ko.
"Bakit naman kita hahalikan? Ano ka sinuswerte? Tsaka, bakit ka nagbablush?"
"A-anong nagbablush? Hindi kaya! Nahihilo lang ako."
"Asus. Nagbablush ka eh. Pulang-pula ka na nga oh." tukso pa nya.
"Hindi sabi eh! Bumaba na nga tayo. Kelan ba titigil 'to? Nasusuka na ko. Buwaaahhhh" nagkunwari akong nasusuka na pero ang totoo ay hilong hilo na talaga ako. Alam kong konti pa at matutuluyan na nga ang pagsuka ko.
"Kadiri ka. Pigilan mo yan! Mamaya pa 'to titigil. Ewww ka!"
"Ang arte mo ha! Kasalanan mo 'to eh. Sinabi na kasing ayaw kong sumakay dito tapos pinilit pilit mo pa ako. Buwaaaahhh" umarte ulit akong nasusuka. Nagtakip naman ng ilong si kumag. Ang arte talaga.
"Ano ba yan? Kadiri ka naman eh. Pigilan mo sabi yan. Pag yan lumabas dito, mananagot ka sakin." nagbanta pa. Pinanlakihan pa ako ng mata, akala mo naman matatakot ako sa kanya.
Lalo tuloy akong umarte na nasusuka na. Kitang kita sa mukha ni Skye ang pagkadiri sa ginagawa ko kaya di ko na mapigilan na matawa.
"Hahahahaha. Ang arte arte mo pala. Kalalaking tao, ang arte arte. Para suka lang eh."
"Kadiri kaya ang suka. Ang asim ng amoy. Yuccckkk!" kung makayuck akala mo naman may suka sa harap nya o kaya nasukahan sya.
"Oh?" napakapit ako sa kanya ng biglang tumigil ang sinasakyan namin. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa pinakababa. Bubuksan ko na sana ang pinto para bumaba ng biglang umandar na naman 'tong nakakainis na ferris wheel na 'to. Pagtingin ko sa kasama ko, nakangisi sya na parang aso habang nakatingin sa labas.
"Kagagawan mo 'to noh?!" sigaw ko sa kanya.
"Ano na namang ginawa ko?"
"Bakit umaandar na naman 'to? Di man lang tayo pinababa. Arrgggghhh! Nakakainis!"
"Enjoy the view sabi. Tingin ka sa labas oh."
Di ko na lang sya pinansin at tumingin na lang ako sa labas. Iniiwasan kong mapatingin sa pinakababa dahil tiyak na malulula na naman ako. Di ko mapigilang ngumiti habang nakatanaw sa labas. Nakakahanga talaga ang ganda ng tanawin.
BINABASA MO ANG
My Daisy
RomanceShe's 16, pure, innocent and kind. She got no one except for her brother who loves her so much. Paano kung isang araw ay umalis ito ng walang pasabi at ang tanging iniwanan lang ay isang cellphone. No more, no less. This phone will be the only way f...