Terrible Headache

30 1 0
                                    

CHAPTER 9

           

KAIRA

"Arrrggghhh! Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko kay Jane habang hinihilot-hilot ang ulo ko.

"Baka naman magkakameron ka Besh kaya masakit ang ulo mo." Sabi ni Jane na katabi ko ngayon at nagmemake-up. Hindi ko maintindihan sa babaeng 'to kung bakit kailangan pang magmake-up eh ang ganda-ganda naman nya.

"Hindi Besh, kakatapos ko lang eh. Ito siguro yung tinatawag na hang-over."

"Hang-over ka dyan?! Uminom ka? Kailan? Saan? Sinong kasama mo? Ang daya naman!" nakapout na sabi nya. Bakit ako madaya?

"Isa-isa lang ang tanong. Ang sakit na nga ng ulo ko, lalo pang sumasakit dahil sa'yo." Mariin kong ipinikit ang mata ko ng makaramdam ako ng pagpintig sa ulo ko. Pramis, hinding-hindi na talaga ako titikim ng alak. Ever!

"Sorry Besh. Pero ano nga? Sino ngang kasama mo?" ikinuwento ko sa kanya kung anong nangyari kahapon. Pati yung pagkakabasa ni Monique nang madaanan namin ni Skye, ikinuwento ko na rin kaya mamatay-matay na naman sa katatawa itong bestfriend ko.

 Pati yung pagkakabasa ni Monique nang madaanan namin ni Skye, ikinuwento ko na rin kaya mamatay-matay na naman sa katatawa itong bestfriend ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pero bakit kasama mo si Skye? Paano ka nakauwi? Inihatid ka ba nya?" grabe, ang dami talagang tanong ng babaeng 'to. Pero oo nga ano? Napaisip ako sa tanong ni Jane. Paano ako nakapasok ng bahay kagabi? Nagising kasi akong nakahiga sa sarili kong kama. Baka naman nakapasok akong mag-isa sa bahay tapos hindi ko lang maalala, hindi kaya?

"Huy Besh! Ano na? Tulala ka naman eh!" nagulat ako ng bigla akong hampasin sa braso ni Jane. Napatulala na pala ako kakaisip kung paanong nakahiga ako ng maayos sa kama ko kagabi.

Nanlaki ang mata ko ng may bigla akong naisip. Hindi kaya si Skye ang nagdala sakin sa kwarto ko? Ang hirap naman! Wala kasi talaga akong maalala. Ang huli kong natatandaan na nangyari kagabi ay nakaangkas ako sa motor nya at pauwi na kami. Pagkatapos nuon ay wala na akong matandaan. Inis! Ayoko namang itanong sa kanya kasi nahihiya ako.

"OMG!" bulalas ko.

"Bakit, Besh? Naalala mo na? Ano? May ginawa sa'yo yung gurang na yun?" Gurang? Si Skye?

"Grabe ka naman, Besh! Makagurang naman 'to. Hindi ko nga maalala eh."

"Tss. Eh bakit napa-OMG ka?"

"Eh kasi nandyan na yung crush mong teacher. Ayan oh." Turo ko sa papasok na teacher sa room namin. Buti na lang dumating na si Sir para hindi na ako kulitin ni Jane. Ang sakit kasi talaga ng ulo ko.

"OMG nga! Ang gwapo talaga ni Sir, Besh!" bulong nya habang kinukurit-kurit ako sa braso ko. Hindi naman ganun kasakit kaya hinayaan ko na lang. Mas lamang pa din ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko.

Sabi na nga ba si Sir lang ang makakapagpatahimik sa kanya.

Halos nasa kalagitaan na ng klase ng biglang lumapit si Sir. Napansin ko naman na namula 'tong katabi ko.

My DaisyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon