Sky Eye

28 3 0
                                    

CHAPTER 4 – SKY EYE

"Simula ngayon, slave na kita." anong pinagsasasabi ng lalaking to? Walang iba kundi si Skye. Andito ako ngayon sa canteen, kasalukuyang kumakain ng biglang umupo sa harapan ko itong taong 'to. Hindi ba nya talaga ako tatantanan? Konti na lang iisipin ko ng may gusto sakin 'to eh. Assuming na kung assuming.

"Gusto mo na bang mamatay? Alam mo Kuya, wala akong balak pumatol sa mga kalokohan mo." inemphasize ko talaga yung word na kuya dahil matanda na naman talaga sya.

"May utang ka sakin kaya sa ayaw at sa gusto mo, slave na kita. Wala. Ka. Ng. Magagawa. Dun." sumubo sya ng pagkain nya pagkasabi nya nun. Parang baboy ngumuya, nakabuka pa ang bibig. Naalala ko tuloy si Kuya.

"Pwede ba? Yung pagkain mo tumatalsik na sa pagkain ko oh. Isara mo naman yang bibig mo habang ngumunguya!" sigaw ko. Totoo naman, nakita kong may tumalsik na kanin mula sa bibig sya papunta sa pinggan ko. Bigla tuloy akong nawalan ng gana.

"Ang arte mo naman. Ang selan selan mo. Ah basta, wag mong ibahin ang usapan. Slave na kita!"

"Bahala ka sa buhay mo." inirapan ko sya tapos tumayo na ako. Nawalan na talaga ako ng gana. Sayang naman 'tong pagkain ko. Baka mapanis lang kung iuuwi ko pa.

Iniwanan ko na sya sa lamesang yun. Buti naman hindi na sumunod pero ramdam kong nakatingin sya sakin nung tumayo ako.

Napalingon ako ng may maramdamang tumama sa likod ko. Kitang kita ko ang mantsa sa blouse ko dahil sa kutsarang ibinato ng sino mang gumawa noon. Naningkit ang mata ko at pilit na hinahanap kung sinong bumato sa akin. Sisigaw na sana ako pero nanlaki ang mata ko ng makita si Skye na hawak hawak sa kwelyo ang isang babae. Anong nangyayari?

"Bakit mo ginawa yun ha?" narinig kong tanong ni Skye dun sa babae.

"Ano bang pakialam mo? Bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas yung babae pero hindi pa din binibitawan ni Skye ang kwelyo nito.

"Magsorry ka." malumanay pero puno ng awtoridad na sabi ni Skye. Kalma lang sya pero natatakot ako sa kanya. Ano ba talagang nangyayari?

"Bakit ako magsosorry? Tsaka kaano ano mo ba sya ha? Wag ka ngang makialam!" sabi nung babae sabay turo sakin. Pilit nyang inaalis ang pagkakahawak ni Skye sa kanya pero talagang malakas si Skye at hindi man lang sya natitinag. Lumapit ako para itanong kung sya ang may kagagawan sa damit ko.

"Ikaw ba ang bumato nito?" tanong ko sa kanya habang nililimot yung kutsarang ibinato nya sakin.

"At kung sabihin kong oo? May magagawa ka ba dun?" mayabang na sagot nya.

"Bakit mo ako binato?" kalmado pa rin ako pero alam kong makikita sa mata ko ang inis.

"Ang kulit mo din ano? Ang kulit nyo pareho!" nakakainis yung ngiti nya. Ngiting aso. Kilala kong bully 'tong babaeng 'to eh. Pero sorry sya dahil hindi tatalab sakin ang pambubully nya.

"Tindi mo din eh ano? Tingin mo mabubully mo 'ko? Wala akong balak pumatol sa kalokohan mo." Marahas kong hinila ang kamay ni Skye mula sa pagkakakahawak nya sa kwelyo ng babaeng iyon saka umalis. Mantsa lang yun, madaling mabura.

"He-hey!" narinig kong sigaw ni Skye pero di ko sya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Nang maabutan nya ko, tumigil sya sa harapan ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Tabi." itinunghay ko ang ulo ko para magpantay ang paningin namin. Turo sakin ni kuya, tumingin sa mata ng kausap.

"Bakit hindi mo pinatulan yung babaeng yun? Bakit hinayaan mo lang yung ginawa nya?" tanong nya.

"Bakit hindi mo pinatulan yung babaeng yun? Bakit hinayaan mo lang yung ginawa nya?" tanong nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My DaisyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon