O L I V I A
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Luke." Sabi ni Mama kay kuya Luke na nakatayo sa may driver side ng van. Tumango lang si Kuya sa kanya.
"Salamat sa pagpunta niyo dito mga bata ha? Ang saya-saya ng kaarawan ko." Sabi ni Inay sa mga kaibigan ko kaya agad silang lumapit dito at nagmano, pati na din kay Itay na tahimik lang.
Lumingon ako kay Savannah na karga si Ryko at nakayakap naman sa kanya si Belle, alam kasi ng bata na di sila mahahatid ni Savannah sa airport kasi may kailangan siyang gawin kaya ang clingy.
"Olivia bantayan mo si Kate at baka dumugin ng fans niya ha. Susunod naman ako agad." Bulong ni Mama sa tabi ko.
May change of plans, sasama sa amin si Kate at doon siya sa apartment ko muna habang hinihintay yong flight niya pabalik ng America. I already talked to Savannah about it and she said it is fine para na din daw sa safety ni Kate.
"Opo, Ma. Sa apartment ko lang naman yan siya, sino susugod?"
"Ah, basta. Sa akin yan pinagkatiwala ni Thomas. Alagaan mo kasi may sequel pa yong series nila."
"Ang daldal mo Mama. Bawal mag disclose ng mga ganyan na bagay." saway ko sa kanya.
"Ako ang director nak, wala kang magagawa." Sabi niya kaya natawa ako.
"Sige na at para di na kayo masyadong gabihin sa daan. Magtext pag naka-uwi na, okay?" Sabi ni Mama pagkatapos magpa-alam ng mga kaibigan ko kela ate Ria at sa mga bata.
Nagsipasukan na sila sa van at naiwan pa si Savannah at ako. She kissed Ryko's cheek before she handed him over to ate Ria at pagkatapos ay niyakap niya din si Belle.
"I will see you this Christmas, okay? Eat a lot of healthy food so you would grow beautiful like ate Bless." Pang-uuto ni Savannah sa bata.
Super idol niya talaga si Bless. Wag lang sana sa ugali.
Belle nodded, "Yes po! I will see you soon!" She said and kissed Savannah's cheeks.
Nagtungo naman si Belle sa akin at yumakap din. "Ate Oli, make sure to hatid us sa airport po."
Conyo, amp.
"Yes naman baby. Bantayan si Ryko ah? Bye na." I said and kissed her head.
Nagpaalam na din si Savannah kay Mama bago pumasok sa loob.
"Una na po kami." Sabi ko sa kanila at yuamakap kay Mama.
"Bye Mama. Pakainin niyo yong mga sisiw ni Savannah ah."
"Kaya na yon ni Jimboy." Natawa ako sa kanya.
"Sige na po, alis na kami." Sabi ko at pumasok na din sa loob.
Magkakatabi sila Sol at Sam sa likod ni Kuya Luke tapos yong tatlo naman sa likod ng mga boys and as usual, kami ni Savannah sa pinakalikod.
Bumusina si Kuya Luke bago nagsimulang mag drive. Grabe, ang daming ganap sa long weekend na to. Pero highlight pa din si Wayne kasi nakaka-inis yong buong pagkatao niya. Bumuntong hininga ako kaya kaagad na napalingon sa akin si Savannah na kanina lang ay busy sa phone niya.
"Are you okay?" She asked in a small voice and put down her phone.
Napasulyap ako doon at open yong conversation nila ng bff niyang Kikay. Nag-uusap ata sila about doon sa project nila eh.
I smiled, "Yes. I am just quite sad that we have to leave immediately." Sabi ko.
"It's okay. Just a few more months and it's Christmas already, they'll be back." She said and caress my cheek.
Tumango lang ako at sumandal sa kanya.
"I will use my phone. Me and Stacey were discussing something." Paalam niya sa akin.
"Go on, you don’t have to tell me that anymore."
"I want to."
"Oo na po. Sige na, para ma finalize niyo na yang project niyo."
Kinuha na niya yong phone niya at tahimik na nakipag chat kay Stacey. Yong nasa harap naman namin ay busy din sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Pinili ko nalang na pumikit kasi inaantok na ako agad, hindi nagtagal ay nakatulog din ako.
YOU ARE READING
girlfriends (LingOrm)(on-going)
RomanceA very chill LingOrm fanfic :)) Orm as Olivia Ling as Savannah
