45

98 3 0
                                        

O L I V I A

I ran my free hand through my hair and put my baseball cap on to avoid it from getting all messy with the strong wind. Sobrang lakas ng hangin ngayong araw kaya natatakot akong lakarin ang University grounds kasi baka tangayin ako pauwi ng probinsya namin pero mas madali naming mararating yong kailangan naming puntahan kung dito kami dadaan.

"Ang OA naman ng wind na to. Para namang may personal na galit." Daing ni Marco.

"May bagyo ata, hindi ko lang sure if nag landfall na ba." Thea said.

Nasa gitna nila akong dalawa at nakahawak din ako sa magkabilaang braso nila kasi nga baka matangay ako ng hangin na to. Papunta kasi kami sa auditorium para dumalo ng meeting para sa mga graduating students at para na din sa nalalapit na senior/graduation ball.

"Bakit pala tayo dito dumaan?" Tanong ni Marco.

"Para madaling marating ang auditorium." Thea provided the answer.

"Mas mapapadali pa ata buhay natin dito, punyeta ka talaga Olivia." Sabi ni Marc kaya natawa ako.

Ang layo kasi kung doon pa kami sa mga covered pathways dadaan. Pwede naman dito para shortcut, kaso yong hangin nanghahamapas.

"Dalian nalang natin ang lakad para makaalis na tayo sa hagupit ni Amihan." Thea said and we did.

We fastened our pace and finally made it to the auditorium's entrance. I finally let go of them and fixed my cap over my head.

"Bilis maka bitaw ah, kanina lang parang nakasalalay sa amin yong buhay mo." Thea said while fixing her hair.

"Salamat sa inyo mga alagad ko." I said with a teasing smile.

Hindi nalang nila ako pinansin at inayos nalang nila yong mga sarili nila.

"Liv?" I heard my name so I pivoted to see who it was.

"Oh-- hey! What a surprise! What are you doing here?" I said and gave her a quick hug.

Nanigas naman siya sa kinatatayuan niya kaya natawa ako ng bahagya. As usual for her when not working.

It's Phoebe. Carrying her iPad close to her chest like her life depends on it. It somehow does, nandyan ata lahat ng mga designs niya.

"Celia was invited by the college of architecture as their guest speaker. Sinama niya ako." She said and pushed her glasses closer to her eyes.

Parang ayaw niya ata na sinama siya. She does not look happy at all.

"Really? I didn't know she did such things." I said and turned to my friends na ngayon ay nakaharap na din may Pheebs.

"Oh, by the way-- these are my friends and classmates. This is Marco and Thea and guys this is Phoebe, she's helping me design my Papa's new house. She's really good." I said that immediately made Phoebe blush.

"Nice to meet you both." Sabi niya lang sa mga kaibigan ko.

Nagsibatian din naman yong dalawa sa kanya bago nagpa-alam na mauuna nang pumasok sa loob kasi super mahangin pa din dito sa labas. Mabuti nalang at walang dalang ulan tong hangin, ang hirap non.

"I have to go now. I was just wandering around." Phoebe said.

I check the time and mamaya pa naman magsisimula ang meeting. "Do you want me to accompany you for a while?"

She shook her head immediately, "No, I'm fine. I do not want to bother you."

"Hala. Hindi naman. Wala na din kaming klase, may meeting lang maya-maya."

girlfriends (LingOrm)(on-going)Where stories live. Discover now