31

63 4 0
                                        

O L I V I A

Napapikit ako sa inis nong namatay ang character ko at napairap kay Sam na tumatawa ng mahina sa tabi ko. Sana pala ay di ko siya pinagbook ng grab kanina patungo dito sa apartment ko para mahirapan siyang mag commute.

Naglalaro kasi kami ngayon ng COD, 1v1 kasi gusto niya daw mag practice ng close range sniper. Eh ang gago, nanuntok ba naman edi patay agad ang kawawa kong character.

"Ang daya mong hayop ka ah. Sige, gusto mo mag boxing nalang tayo?" Hamon ko sa kanya kaya mas natawa siya.

"Sorry, I panicked. Muscle memory." Sabi niya sa gitna ng pagtawa niya.

"Tss. Pag ikaw nanuntok ulit. Susuntokin din kita in real life." Banta ko sa kanya bago ako mag focus sa iPad ko para maglaro ulit.

Nandito kami ngayon sa sala ng apartment ko, magkatabing nakaupo sa pahabang sofa na nakaharap sa flat screen TV. Dahil sa uhaw ko kanina ay nagising ako at bumangon para kumuha ng tubig sa kusina pero nakita ko siyang nakatambay lang dito sa sofa kaya sinamahan ko siya. Tulog na din si Savannah sa kwarto ko kaya mahina lang kaming nag-uusap. Baka magising at makita kaming naglalaro dito ng dis-oras ng gabi, edi patay ako.

Hindi na siya nagsalita pa at nag focus na din sa paglalaro. Gumagaling na din yong mga movements niya at nakakasabay na sa akin kaya nakaka proud lang. Nong una kaming naglaro ay para lang siyang bot pero ngayon medyo tao na yong galawan niya.

"Oh shit!" Daing niya nong natamaan ko yong character niya. Ang daya, nagtatatakbo na siya kaya ako naman ay agad siyang hinabol pero natigilan ako nong bigla siyang nag slide at salubungin ako. Buti nalang at agad kong napindot ang fire button kaya na headshot niya.

"Hay nako, bano." Saad ko kaya siya naman umirap sa akin ngayon.

"How can you fire immediately like that?"

"Fast finges." I said in full confidence.

"When I play with someone else, they compliment my movement but with you; I question my ability."

Natawa ako sa sinabi niya at tinapik ang braso niya. "Sorry nalang, ito kasi lagi kong nilalaro eh kaya malamang ang galing ko na."

"You're so full of yourself, but it's true that you're good." Pag amin niya.

"Okay, one more round." Paghahamon nanaman niya.

"Nako, mag-iisang oras na tayong naglalaro. Di ka naman nananalo kaya tama na yan. Ayaw kong ma stress ka."

"Oh come on now! I almost win."

"Mama mo."

"What's up with my mother?" He said loudly kaya agad kong tinapik ang balikat niya, mamaya niyan magising pa sa mahimbing na tulog yong kambal niyang napakabait.

"Expression kasi yan, tanga." Saad ko at napa-iling.

"Okay sige, one more round tapos pumasok ka na sa kwarto at matulog. Nandadamay ka pa sa pagpupuyat eh." Sabi ko at nag start ulit ng panibagong round.

"You can't sleep either, don't lie."

"Pinagsasabi mo? Nauhaw lang ako kaya ako lumabas ng kwarto ko. Tingin mo makakapagpuyat ako na nandon yong kambal mo sa tabi ko?" Bantay sarado kaya ako ni Savannah.

girlfriends (LingOrm)(on-going)Where stories live. Discover now