32

89 5 0
                                        

O L I V I A



"Welcome to my sweet home!" I said with a wide smile when the van entered our gate and into the front of the main house.

Nagsibabaan agad ang lahat nong na park na ni Kuya Luke ang van na dala namin.

"Where?" Sam asked kaya natawa yong kambal niya sa tabi ko.

He was looking at the main house and at the small houses that surrounds the main one.

"That huge ass house, that's it." Bless said pointing at our house that stood before us.

"I knew you were rich when I saw your car collection." Sam said while squinting his eyes at me.

"Luh, dalawa lang naman nakita mo tapos sa Mama ko yon--"

"She's just lowkey, let her be." Pagputol ni Bless sa sasabihin ko sana.

"You have a beautiful home, darling." Komento ni Sol kaya agad akong napangiti.

"I know right, thank you!"

"Ibyang?!" Si Jimboy yan, oo. Sino pa bang magsasalubong sa aking tuwing umuuwi ako?

"Lika dito!" Sabi ko at agad naman siyang tumakbo palapit sa amin.

"Guys, this is Jimboy. Kanang kamay siya ng Itay dito sa bahay and Jimboy mga tropa ko to, kilala mo naman na si Bless diba? Itong tatlo ay si Luna tas kambal niya si Sol at ito naman si Sam, kambal ni Savannah." Pakilala ko sa kanila at medyo nalito pa siya kasi puro kambal.

"Kaya mo yan sila ma-memorize mamaya, paki lagay na muna to sa ref please." Sabi ko at binigay sa kanya yong cake na kakakuha ko lang sa small cooler na pinaglagayan ko habang nasa byahe kami kanina.

"Kinagagalak kong makilala kayong lahat." Sabi ni Jimboy bago nag tungo sa may kusina.

May nakikita akong usok sa may bandang likod ng bahay kaya sure ako na nagluluto na sila para sa lunch mamaya.

"I will let someone carry your things inside, let's go first and meet Inay, for sure she's watching the cook doing their thing." Sabi ko sa kanila at nagpa-iwan naman si Kuya Luke doon sa may van para matulungan niya yong magdadala ng mga gamit sa loob ng bahay.

We made our way towards the backyard of our house and as we walk closer, I can hear a lot of voices and that immediately made me smile. I really like it whenever there's a celebration since I get to spend time with the people I love.

"Oy, nandito na pala si Ibyang!" Si Itay ang unang nakakita sa akin kaya napalingon din yong ibang tao sa gawi namin.

I let go of Savannah's hand as I made my way to Itay and Inay who's sitting beside each other, nagmano ako at nginitian yong ibang tao na nandoon. Nagmano ako sa kanila at hinalikan yong mga noo nilang dalawa.

"Mabuti naman at nakarating ka na, anak. Sino itong mga kasama mo?" Tanong ni Inay at tumingin sa may likuran ko.

Bumalik ako doon at hinawakan ulit ang kamay ni Savannah, "Nandito ho ang kambal na si Sol at Luna, nandito din po ang kambal ni Savannah na si Sam tas si Bless."

"Ay! Bless Hija, halika dito!" Excited na sabi ni Inay kaya nakangiting naglakad si Bless patungo sa kanya, nakasunod naman ang tatlo sa kanya para magmano din.

"Kamusta ka na? Malusog ka naman na?" Tanong ni Inay, alam niya kasi na may sakit si Bless sa puso.

"Maayos na ho ang aking karamdaman, Nay. Malusog na malusog din ako, salamat." Sagot ni Bless.

"Wow, she sounded like someone from Rizal's time." Sabi ni Savannah sa tabi ko kaya natawa ako sa kanya.

"Ang kikisig naman ng mga kaibigan ni Ibyang, sino ba ito?" I turn to Inay when she said that, nakahawak siya ngayon sa kamay ni Sam na nagmano sa kanya.

"Hello po, my name is Sam and I am Sil--, Savannah's twin brother." Pakilala ni Sam sa sarili.

"Kaya pala medyo pamilyar ang mukha mo, magkasing mukha kayo ni Sabana." Komento ni Inay.

"I feel like my nose is bleeding." Savannah said and that made me laugh once again.

Ganyan na ganyan din siya noong nandito kami last time kasi dinadaldal siya ng Inay at syempre taga translate naman ako, kung siya ang nano-nose bleed ako naman noon ay nahihilo kaka-translate.

"Hello po, ako po si Luna. Ikinagagalak ko ho kayong makilala." Si Luna naman ang lumapit kay Inay at nagmano din.

"Ay, kilala kita hija. Ikaw yong kras na kras ni Ibyang noon eh, bukambibig ka niya." Sabi ni Inay sabay tawa ng bahagya.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kakasuyo ko lang kay Savannah kasi naiinis siya kay Sol, baka mainis naman siya kay Luna dahil sa sinabi ng Inay. Mabuti nalang at mukhang di na gets ni Savannah yon kasi wala siyang side comment.

Hindi ko nakita ang reaksyon ni Luna kasi nakatalikod siya sa amin, pero alam naman niya na nagka-crush talaga ako sa kanya noon.

Si Sol naman ang sunod na nagmano, "Hello po. Sol po pala, nice to meet you po."

"Ay nag kisig mo naman hijo, nakakamangha ang malalalim mo na biloy sa iyong pinsgi." Sabi ni Inay, pati ako ay gusto na ding maka-nose bleed.

Nakita ko lang ang pagtango ni Sol kaya alam ko na hindi niya rin gets ang sinabi ni Inay.

"What did she say?" Tanong ni Savannah nanaman.

"Believe me, baby. Hindi ko din gets, basta sabi niya Sol is handsome."

Di na siya sumagot dahil siya naman ang naglakad papalapit kay Inay at nagmano din, "Hello Nay Beth, happy birthday."

"Salamat hija, pagpalain ka ng diyos." Inay even caressed Sav's cheeks.

Natawa naman ako sa apat kasi nawala ata sa isip nila na kaarawan ni Inay ngayon kaya nagkaundagaga silang batiin ito na ikinatuwa naman ni Inay.

girlfriends (LingOrm)(on-going)Where stories live. Discover now