30

111 7 0
                                        

O L I V I A

 
The days passed by like a blur and we are almost over with the first semester. Maraming nangyayari ngayon pero wala akong pakealam kasi kailangan kong suyuin ang jowa ko na nagmamaldita kasi daw bakit hindi ko siya sinabihan na birthday ng Inay, ayon tuloy at wala siyang naihandang regalo. Sabi ko ay okay lang kasi hindi naman din mahilig ang Inay sa mga ganyan na bagay pero hindi iyon sapat para hindi mawala ang inis niya sa akin kaya todo suyo ako pero walang epek iyon.  
 
Dagdag mo pa na hindi pa rin tumitigil kakapapansin si Wayne, kahit harap-harapan nang sinabi ni Savannah na ayaw niya itong mas makilala pa dahil may girlfriend na siya. Ang sabi lang ng kupal ay hihintayin niya daw na maging single si Savannah kaya natawa ako sa inis. Ang gago kasi, ang sarap bigwasan, buti nalang at wala ako nong nangyari yon kasi busy ako sa papers namin, nakwento lang sa akin ni Stacey.  
 
"Hoy, ang lalim nanaman ng isip mo." Thea said as she poked my left cheek.  
 
Nandito kami sa library at naghahanap ng isang libro na kailangan namin para sa aming papers, kanina pa ako nag hahanap pero di ko makita kaya si Sam at Marc naman ngayon ang naghahanap sa part na di ko maabot kanina.  
 
"Nag iisip lang anong gagawin ko para di na mainis sa akin si Savannah." Sabi ko at nagbuntong hininga.  
 
"Ano nanaman ginawa mo?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.
 
"Hindi ko nasabi na birthday ng Inay eh uuwi ako bukas sa bayan, nainis siya kasi wala daw siyang gift." Sabi ko at pinatong baba sa mesa na nasa harapan namin.

Sabi ko kasi sa kanya ay uuwi kami sa probinsya kasi may gaganapin na party, I did not mention na para pala yon sa birthday ni Inay. She is turning 70 years old kaya nag decide ang mga anak niya na magpa-party.
 
"Ha? Pwede naman kayong bumili mamaya bago ka makauwi bukas."  
 
"Kaya nga eh kaso---, wait what?" I said and sat up straight.
 
"Ano ba yan, bili kayo mamaya pag out na."  pag-uulit niya.
 
Shit, bakit hindi ko naisip yan?! Ang sabi ko lang sa kanya ay wag na bumili kasi okay lang naman kay Inay as long as present kami sa araw na yon. Ang bobo ko talaga, ayaw nga pala ni Savannah na tinuturn down yong offer niya lalo na pag gifts.  
 
"Oo nga no?"  
 
"Wow, hindi mo yan naisip? Ang bobo, potek." Sabi ni Thea pero ngumiti lang ako instead na ma offend, totoo naman kasi.  
 
"At dahil d'yan, ako na bahala sa lunch mo." Sabi ko kaya agad siyang pumalakpak.  
 
"Quiet!" Suway sa kanya ng librarian kaya agad nag sorry si Thea na ikinatawa ko.  
 
So ayon nga at hindi namin mahanap-hanap ang leche na book na yon kaya nagpagdesisyonan ni Sam na bumili nalang sa NB kaya lahat kami ay nag tungo sa pinakamalapit na mall kasi may NB naman doon. Yong next sub namin ay alas dos pa ng hapon kaya medyo marami pa kaming time.

Kotse ko ang gamit namin pero si Sam nagda-drive kasi wala ako sa mood magmaneho ngayon, dinala ko lang nga sasakyan ko para sunduin si Savannah kanina pero di man lang ako pinansin. Parang ginawang grab driver lang ako. Grabehan.

"After buying that book, let's grab some lunch." Sam said as we made our way to the National Bookstore.  
 
"Sure, anywhere is fine kasi libre naman ni Liv lunch ko." Masayang saad ni Thea habang nakakapit sa braso ko.  
 
"Ay wow, so bakit siya lang?" Marco asked.  
 
"Because... I will be the one to treat you." Singit ni Sam sabay akbay sa bakla kaya naman ay sobrang kinilig ang ulol. 
 
Napa-iling nalang ako sa kalandian ni Marco habang nakasunod pa din sa kanila, nong nakarating kami sa NB ay nakita ko si Gwen na kasama mga kaklase niya. Agad naman siyang bumati sa akin at kay Sam bago siya naglakad patungo sa cashier para bayaran yong mga gamit na kinuha nila.  
 
"Ang mahal naman niyan." Bulong ni Thea habang nakatingin sa price ng libro.  
 
Real, nandon naman daw talaga yan sa lib kaso hindi nga namin makita-kita kaya nainis na ata si Sam at nag decide nalang na bilhin.  
 
"How much do we owe you?" Tanong ni Marco kay Sam matapos niyang magbayad.  
 
"Nah, it's fine. I will just give this to the library once we're done using it." Sabi ni Sam at kihuna na yong libro.  
 
Wow, pwede na matawag na good samaritan tong si Sam. 
 
"Sure ka ba?" Thea asked, willing naman yan silang mag pay kahit buraot sila eh. 
 
"Yes. Let's go now and take our lunch." Sam said coolly and made his way to the exit.  
 
"Mayaman yan te kaya barya lang sa kanya ang 11k na libro." I told Thea as we followed Sam.  
 
Ang mahal ng libro na yan, punyeta. Handwritten ba yan?!

girlfriends (LingOrm)(on-going)Where stories live. Discover now