Chapter Tri

108 6 0
                                    

Chapter Tri

Nagugutom na ako. Waaaah. Eh pag bumaba pa ako ng gantung oras baka kung ano nanaman sabihin nila mama sakin. 9:30 na oh. Di pa ako naghahapunan at meryenda please! Sana mag 11 na. pag 11 pm na kasi wala na sa sala sila mama at makakapunta na ako sa kusina para makakuha ng pagkain. Gagawa nga muna ako ng assignment!

Ok gawa gawa lang.

After 1 hour

Yes! 10:30 na! malapit na!!! malapit na akong makakain. Yesss.

“HOY TRISHA !!! tawag ka ni mama ! bingi! “ – Kuya

“ha?? O sige wait lang po!” – me

Sabay tayo ko sa kama at bumaba agad sa sala.

“ bakit po ma!?” sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.

“pakainin mo nga pala yung aso. Pakain mo ung lahat ng natirang pagkain. Saying lang, wala naman kakain.” –mama

“pero po ma, kakain pa po ako—“ – me

“ ipakain mo na sabi! Pag nag ingay yang mga tuta at aso nayan mamayang gab I dahil di mo pinakain ha! Hahambalusin kita kahit tulog kapa!” – mama

“opo” tas umalis na ako sa sala. Dumeretso nalang ako sa kusina.

Tapos inayos ko na ung pagkain na dapat kakainin ko pag 11 pm na. wala na eh . eto na oh. Ipapakain ko na sa mga aso ni papa.

Anu bat oh. Naiiyak nanaman ako. Kasi naman eh. Di ba narinig ni mama na kakainin ko? Pinagpilitan nya parin na ipakain ko sa aso eh. Anu yun ??? mas mahalaga na ang aso kaysa sa AKIN???! . BAKIT PARANG SOBRA NA ATA SILA MAMA ? ano ba kasing ginawa ko ?! bakit nagkapeste peste tong buhay ko!!! Gusto ko ibenta lahat ng gamit ko tas lumayas nlang dito eh !!!

Naiinis ako. Naiinis ako. Sa sarili ko. Bakit di ko magawang ipagtanggol ung sarili ko. Kahit naman bastusan na ako sa magulang ko. May ipinaglalaban naman ako diba?? Diba ?!

“oh ayan na kainin nyo na. mas mahalaga naman kayo kaysa sa akin eh. Mamaya mag ingay pa kayo mamaya. Mahampas nanaman ako ng nanay ko.” Sabi ko dun sa limang tuta habang humihikbi hikbi ako.

“ bakit ba kasi *sniff* nagdrama pa ako kanina dapat kumain nalang ako  *sniff* haha. Naunahan nyo pa tuloy ako . *sniff* hehe . pero okay lang .. cge . mahal ko din naman kayong mga tuta kayo. Pero d ko lang talaga maintindihan bakit nangyayari sa kin toh eh *sniff* hay nako. Yoko na nga magdrama! Gutom na nga ako ! magdradrama pa ako?! Sus! Cge ! Goodnight na mga tuta

! goodnight crissy, Bruno, shiela, nancy at marc! Hehe. Pakabusog !” tumayo na ako. Pagpunta ko sa sala wala na sila mama. Buti naman baka Makita pa nila na umiyak ako. Sabhin drama drama nanaman ang peg ko.

Dumeretso na ako sa drawer at naghalungkat ng pwedeng kainin. Dahil anytime alam kong babagsak na ako sa sobrang kagutuman.

Ay buti nalang may cup noodles pa! ito na nga lang ulit. Oo. ULIT. Kasi ito naman lagi kinakain ko pag din a ako naisipan tirhan nila mama ng pagkain!

NAKAKAINESSSS! Ano ba talaga ako sa bahay na toh ?! katulong ?! border?! Hindi naman eh! Anak nila akooo! Anakkkk!!! Wooooh !

Wala.  Wala ka nang magagawa Trisha Joy. Iatawa nalang yan . haahaha .

Oo tama. Ngiti Trisha! Para san pa at Joy ang ipinangalan sayo kung di mo gagampanan!

Kumuha ako ng dalawang cup noodles at linagyan ko na ng mainit na tubig sabay akyat sa kwarto ko.

“hmmmm.sippppp. ang sharap. Yum yum yum “ wala. Nababaliw nanaman ako. Haha

May katabi nanaman akong mga stuffed toys. Tatlo sila. Si Mama, si Papa at si Kuya.

Madalas ko tong gawin. Iniisip ko na sana , katulad ng mga stuffed toys na toh, lagi silang nakangiti sakin, lagi nila akong pinapatawa at pinapasaya. Na pinaparamdam nila sa akin na mahalga ako at safe sa mga kamay nila. Pero hindi eh . hanggang pangarap  lang talaga ako. Hehe.

Natapos ko nang kainin ung cup noodles kaya humiga na ako.

Natulog na ako ng mahimbing dahil bukas , nako. Sermon , galit at kung ano ano nanaman ang mararanasan ko. Goodnight WORLD!

Behind These Smiles... (ShortStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon