Chapter Eyt

91 5 0
                                    

Chapter Eyt

Ikaw lamang ang nagtiwala sa akin

Oh Diyos di kita bibiguin

Magtatapat sayo

Maglilingkod ako

Oh Diyos kay buti mo

Ikaw lamang ang nagtiwala sa akin

Ikaw lamang ang nagtiwala sa akin

Ikaw lamang ang nagtiwala sa akin

Oo Lord. Ikaw lang talaga. Kaya nandito po ako sa bahay simbahan para magpasalamat sa lahat ng kalakasang ibinibigay nyo sa akin. Maraming maraming salamat po. Nawa po kayo ang patuloy na magbigay sakin ng mahabang pagpapasensya at pag uunawa. Alam ko naman pong walang may gusto sa akin. At alam ko Lord na ikaw lang ang nakakaunawa sa akin. Sa nararamdaman ko. Kaya po please Lord. Kayo po ang mag ingat sa akin sa lahat ng oras. Wag nyo po akong iiwan. Amen

Pagkatapos kong magdasal, lumabas na ako ng simbahan. Napadaan ako sa bahay ng pinsan ko. Actually sya yung pinakaclose ko sa mga pinsan ko. Nasasabihan ko din sya ng mga sikreto, at dinadamayan nya ako.

Nakita ko si mama doon, at parang nagkwekwentuhan sila ni Chime. Yun yung sinasabi kong pinsan ko.

“ayun. Yung pinsan mo?! Letseng bata yun eh. Puro sakit ng ulo binibigay sa akin.” Sabi ni mama

“di naman siguro tita, siguro konti lang. hehe . tulad ko nagbibigay den ng sakit ng ulo. Pero minsan lang” sabi ni Chime

“yun nga eh. Grabe. Walang pakinabang yung batang yun. Tas ngayon natututo na syang sumagot sagot. Nako. Lintek. Nalapatan ko tuloy ng kamay” sabi ni mama nakita ko yung panggigigil nya.

Ma?! Wow ha. Parang makapagkwento ka na nalapatan mo ako ng kamay first time. Eh lagi mo naman ata akong sinasaktan. Physically and emotionally.

“ayy, grabe lang naman talaga yun tita. Grabe pala si Trisha. Alam mo ba tita nagkwenwento sakin yun . tungkol sayo. Sabi nya bakit ka daw ganyan sa kanya. Di ka naman daw inaano. Masyado daw masama ugali mo. Mga ganun ganun.” – Chime

O____________O

Anong sinasabi ni Chime ?? bakit nya sinasabi yun ?? parang namuo ung pawis sa noo ko ah. Weyt. Wala naman akong sinabi na masama ugali ni mama, kinikwento ko lang yung mga ginagawa sakin para kahit papaano. Gumaan yung nararamdaman ko.

Grabe. Pati ba naman pinsan ko?? Anung bang tamang term ang gagamitin ko sa ginagawa ng mga tao sa paligid ko ???

Ipinagkakanulo ??

Ewan ko. Sobra nanaman akong nasasaktan. Bakit pati pinsan ko?? Anu bayan ?! anu bang nangyayare sa mundo ko. Sa BUHAY ko ?!

Uuwi nalang ako. Feeling ko magcocollapse ako sa lahat ng nangyayari sa akin ngayun eh.

Pagkapasok ko ng bahay, dumeretso nalang ako sa kwarto. Wala na . wala na akong pakialam kung magalit sila mama kung dumating sila dito sa bahay na hindi pa ako nakakaluto. Wala muna akong pakialam sa iba ngayon. Wala muna. Sarili ko muna iintindihin ko.magpapahinga ako. Matutulog ako. Wala akong pakialam sa iba. Kahit... kahit... kahit ngayun lang.

 Natulog na ako. Nang magising ako alas 4 na ng hapon. Himala bakit nde ako ginising ni mama.

Bumangon na ako at lumabas sa kwarto ko. Pagkakita ko nanonood na sila sa sala at kumakain ng meryenda. Wow. Di man lang ako ginising para sa pananghalian! Ugggh . nagugutom na ako. Na kita naman na ako nila mama. Kaso hindi lang nila ako kinikibo. Mabuti naman . ok lang yun. Kesa naman bungangaan nanaman ako noh.

Nung pababa na ako ng hagdanan, biglang sumakit ulit ang tagiliran ko at nag itim na ang paningin ko. Di ko na alam ang sunod na nangyare . basta ang alam ko, bumagsak na ako sa hagdanan namin, at gumlong ako pababa.

Behind These Smiles... (ShortStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon