011 - The Lord will turn Mourning to Joy

160 1 3
                                    

REFLECTION: What is God's Word for me today?

Jeremiah 31:3
the Lord appeared to him from far away.
I have loved you with an everlasting love;
therefore I have continued my faithfulness to you.

REVELATION: What is God's insight for me today?

After all the thing we done, yun bang natapos na yung relationship na hinihintay mo, natanggal ka sa trabaho, nawala yung minamahal mo sa buhay, palagi kang napapagalitan dahil sa tigas ng puso natin, palaging nag-aaway yung parents mo, kakulangan ng supporta bilang estudyante or hindi ka tayo na-aappreciate at higit sa lahat yung galit natin sa mga umapi at nanakit sa atin, yun bang sobrang hatred yung nararamdaman mo kapag nakikita mo yung nanakita sayo, at marami pang iba na pwedeng cause ng masasakit na bagay na nangyari sa atin, parang sa atin yun bang walang hustisya, at dahil don dun tayo humuhugot ng maraming bagay kaya tayo nagkakamali.

Pero sa kabila ng circumstances na'to nandon parin daw si Lord nakatingin sa malayo, at pinangako niya na minahal ka niya with everlasting love.. At dahil nakafocus tayo sa sarili natin, sa mga drama ng buhay natin, pinagpatuloy parin ni Lord ang pagmamahal niya sa atin.

So ano ngayon yung point ko, mahal ka ni Lord, kahit na may kinaadikan ka pa, kahit na sa likod ng mga ngiti mo may lungkot, we are great pretender, minsan wala na tayong pinaniniwalaan, at ginagawa natin yung mga bagay na mabuti sa mata natin, but not knowing God is still there.

Marami mang maging hindrance sa pagmamahal na yon, hinding hindi makakaila na totoong mapagmahal si Lord, hindi nagbago yung pagmamahal niya sa atin, dahil yung totoo matagal ka na niyang hinihintay, matagal ka na niyang binabantayan.

Ang kailangan mo lang gawin ay i-acknowledged siya araw-araw, pray ka lang ng mga simpleng prayer na mula sa puso mo, until maramdaman mong hinawakan ka ni Lord, kasi kapag nasa presensiya ka niya, wala kang ibang gagawin kundi, magsumbong at umiyak.

After non, ready kana ulit lumaban. Ganon kasi yung nagagawa ng pagmamahal, Na-susurpass Lahat ng boundary at issues na meron tayo sa puso natin.

REVOLUTION: What are God's tasks for me today?

Ipakita yung pagmamahal na yon sa maraming tao, we just need to be a person of excellence, that the Love of Jesus is in our actions and not just words.

Need to pray to God.

Lord, always catch us, and I believe that ganito man yung situation ko ngayon, ngayon lang ito, at hindi mababago yung pagmamahal sa amin.

Need to accomplish for God.

Kailangan malaman ito ng ibang tao. I-sha-share ko si Lord sa maraming tao.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Disciple's Journal : REFLECTION, REVELATION, REVOLUTION, Transforming Throughts, Habits and Actions. 🎉
Disciple's Journal : REFLECTION, REVELATION, REVOLUTION, Transforming Throughts, Habits and Actions.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon