Chapter 2: Threads, Needles and Scissors

2.6K 99 14
                                    

Chapter 2 : Threads, Needles and Scissors

"Mahal ko! Mahal ko? Ayos ka lang?"

Parang may humila sa akin pabalik sa ulirat. Umikot ang aking paningin at nakita ang mukha ni Paris, ni Poseidon, ni Zeus, ni Athena, ni Hermes, ni Demeter at kung sinu-sino pa. In short, madami sila.

Napansin kong nakaupo ako at basa – basa ng mga sabaw ng pagkain, siguro cherry juice din.

"Amber! Mahal ko.", hawak ni Paris ang aking balikat.

Lumipad ang paningin sa likuran ni Paris, ang pillar, upang makita muli ang nakita ko. Ngunit wala na doon.

"Ew. What's happening? You've ruined the food."

Napatingala ako.Si Aphrodite yun. May hawak itona nail file at kinikiskis ang kanyang maganda at mukhang malambot na mga daliri. Nakasuot ito ng pula, nagliliwanag ang balat, ang kanyang blonde na buhok ay hindi man lang nakaayos pero napakaganda siya. Parang isang planetang nakikita mo nang malapitan.

"Ano bang nangyari, mahal? Ayos ka lang ba?", sabi ulit ni Paris.

"Tsk.", si Zeus.Nakakunot ang kanyang noo. Mahaba na ang buhok ni Zeus ngayon at nakaponytail ito.

Lumuhod din si Zeus at tinulak si Paris. Nawala si Paris sa paningin ko at pumalit si Zeus.

"Obviously hindi siya okay.Wala kang kwentang boyfriend."

"Sir Zeus!", rinig kong sumigaw si Paris.

Hinawakan ni Zeus ang pisngi ko. "Hoy babae. Ano bang nangyayari sa iyo?Kasama ba ito sa adjustment mo?"

Umiling iling ako at biglang tumayo.

"Pa-pasensya na.", tumingin ako sa paligid at it's clear, nahinto ko ang party. I'm a complete party pooper.

"Guardian Amber! Meron ka?", si Poseidon as usual.

"Wala. Pasensya na kayo. Okay lang ako.", huminga ako nang malalim at awkward na nagsalita. "Let's get the party started! Again?"

Unti-unti ay humiwalay ang tao sa kumpol na ginawa nila sa paligid ko. Nagsimula namang punasan ni Paris ang aking natapon sa aking damit at balat, gamit ang kanyang kamay.

Pinanuod ito ni Zeus na parang ngumunguya ng panis na kanin.

"Ganun pa rin ang opinyon ko. Hindi kita gusto para sa kapatid ko.", sabi ni Zeus.

"Magsabi ka, mahal, kung anong nangyayari ah.", bulong sa akin ni Paris.

"Tigilan niyo na nga yang tawagan niya! Napakacheesy!", sigaw ni Zeus.

"You miss Hera, don't you?", nakangisi si Poseidon na sinusundot sundot ang ribs ni Zeus.

"SHUT UP!", bulahaw sa kanya ni Zeus pabalik.

Somehow siguro may katotohanan yun. Sa nagdaang taon, madalas mag-isa si Zeus at mas inuuna niya ang iba. Kahit ganun si Hera, siya pa rin ang kasama niya ng daang daang taon.

Nakita kong sumulyap ng lingon si Aphrodite sa akin. May binulong siya kay Demeter na natawa. Ako ba ang pinaguusapan nila?

Tumugtog ang malakas na musika. May naglinis ng kalat ko. Sa mga sumunod na oras ay hawak hawak lang ni Paris ang kamay ko at hindi mawala ang tingin ko sa pillar na yun.

***

Nagpatuloy ang thanksgiving party sa Olympus. Nakaupo ako sa trono ko, pinapanood ang nagkikinangang mga kasuotan ng mga Olympians. Tanging si Poseidon at Zeus lang ang nasa kanilang teenage form. Inikot ikot ko sa kamay ang isang baso ng wine at nilagukan ito.

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon