Chapter 4: The Golden Age

2.4K 91 19
                                    

Chapter 4 - The Golden Age

Ako'y nahuhulog.

Marahil isipin niyo na ito'y isang malalim na pagsasalita, na nahuhulog ang aking damdamin, na ang mga pangyayari ay nagbibigay sa akin ng pakiramdam na nalalaglag ako. Weightless. Walang kontrol.

Pero ang totoo ay literal akong nalalaglag.

Marahil mga sampung talampakan ang aking pinaglalaglagan. At sa ngayon ay tatlo na lamang, ilan na lang ay maaaring malamog ang aking utak o mabasag ang aking mga buto.

Napakaway kaway ako sa hangin, sumisigaw. Pumikit ako at inasahan na lang ang aking sarili.

DUG.

Napadilat ako. Tumingin sa paligid at namalayan na nakatayo na ako. Naka-landing ako ng matiwasay, akalain mo yun.

Naamoy ko ang napakabangong simoy ng hangin. Walang polusyon. Matingkad ang aking mga nakikita, parang puno ng kulay at buhay. Ang kalangitan ay matiwasay. Nasa gitna ako ng maputik na daan at gubat ang aking nasa magkabilaan.

"Tabi! Tabi!"

Isang boses mula sa aking likuran. Marahan akong umikot at napatili sa aking nakita. Paparating sa akin ang isang lalakeng nakasuot ng straw hat at dalawang kabayo na hila hila ang isang karwahe.

***

Hindi lang si Monsieur Picasso ang bumalik. Maraming rami pa. Mga satyrs, centaurs at ilan pan namatay noong giyera.

Tila naging isang refugee camp ang throne room. Lahat sila nagtataka, takot at hindi naiintindihan ang nangyayari. Marami sa kanila ang nagtatago sa kumot, umiinom ng pinakuluang wreath, habang ang iba ay nagsasalita mag-isa. Busy na busy ang mga Nurses.

At hindi lang iyon, bukod sa mga pagbalik ng mga pumanaw ay nagiba ang kulay ng pintuan ng Mount Olympus. Imbes na kulay gold ay rainbow na ito. May nagbalita pa sa amin na may ilang nawawala sa buong isla ng Mount Olympus at nadagdagan ng ilang kuwarto ang palasyo na hindi alam kung saan nanggaling.

Nagiiba ang mga nangyayari at mga bagay ngayong kasulukuyan dahil may nagbabago sa nakaraan.

Kailangan namin malaman kung ano ito. Ngunit kailangan ba naming pigilan ito? After all, nagbalik ang mga pumanaw...napatingin ako sa isang lalakeng warrior na mahigpit na yakap ang isang babae at isang batang lalake, lumuluha silang lahat. Lumuluha ng ligaya.

Hindi ako makagalaw sa mga nangyayari, parang wala ako sa ulirat na tumutulong sa mga Nurses at nakikipagusap kila Zeus, ni hindi ko alam kung ano ba ang pinaguusapan namin.

Nagpatawag si Zeus ng isa namang pagtitipon – sa kwarto ni Kronos. Nagmamadali si Zeus at tila alam ko ang dahilan nito, kailangan naming mapigil o makontrol man lang ang mga nangyayari bago pa ito lumala at dahil nagmamatyag ang mga Fates.

Inutusan ako ni Zeus na dumaan muna sa aking kuwarto upang maghanda. Wag ko daw muna alalahanin ang ibang mga nangyayari, kailangan kong magfocus. Focus sa aming quest. Alam ko, ito na ang oras.

Pagdating ko sa kuwarto ko ay hindi na ako nagulat sa nakahanda. Sa may kama ay nandoon ang aking leather armor, sheath na may dagger at ang aking pouch na alam kong puno ng medicinal herbs at vials na alam kong makakatulong sa amin.

At sa isang tabi ay aking bow at quiver of arrows. Napangiti ako at hinimas ito nang marahan.

Napabuntong hininga ako at unti-unti nang hinubad ang aking damit para sa isang quick bath.

May gatas at rose petals ang aking tub kaya hindi mahirap na makaidlip, kahit alam kong dapat magmadali ay hindi ko mapigilan na sumuko sa imbitasyon ng antok.

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon