Chapter 7: We Made it as Maids

1.7K 70 14
                                    



Chapter 7 – We Made it as Maids


"Dito!"

Iyon ang sigaw ni Kat malapit sa aking tenga at muntik na akong mabingi. Nakaturo siya sa isang malaking butas sa pader sa barong barong ni Kronos.

"Sige.", sabi ko.

"Bilisan ninyo!", bulahaw ni Kronos habang nakatingin pa rin sa butas. Rinig naming ang yabag ng mas papalapit na papalapit pang mga Titans.

"Krony...I miss you already.", iyak ni Emma.

"Oh come on!", bigla kong bulalas sabay napa-tsk at ipinasok ang ulo ni Emma sa butas. "Gapang, bilis!"

"Ehh...", ingit ni Emma na hindi na rin mapigilang gumapang palabas.

"Milady.", bulong ni Kat. Napatingin ako sa kanya. Mali, dapat pala isa sa amin ang mauna para matulungan si Emma.

"Em --", magsasalita sana si Kronos pero bumukas ang pinto ng bahay, kung iyon ang matatawag dito.

Mabilis akong napatingin sa butas, wala na si Emma, at kaming dalawa ni Kat ay nandito pa rin. Huli na ang lahat.

"Kronos!", sigaw ng isang lalake, ang boses niya ay yung parang happy go lucky lang. "Huh?" Nanlaki ang mata niya nang makita kami ni Kat. "Wow, Kronos! You have girls here? I didn't know you have it in you!"

Tumawa ang lalake. Kulay dilaw ang buhok nito, may stubble at may itim na hikaw, marahil mga ilang taon ang tanda kay Kronos. Nakasuot ito ng kulay kahoy na pantalon, puting pantaas at boots.

"Hyperion! Umalis ka nga dito! Kayo! Bakit niyo ba ako sinusundan?", pagwawala ni Kronos.

"Baby brother. We're just concerned for you.", sabi ng babaeng may impit na boses. Lumakad ito papasok pa. May isang babae pa sa likod niya.

"Concerned? Tae niyo!", balik ni Kronos.

"Lagot kay kay Dad, Kronos. Akala mo hindi namin alam ang pagnanakaw mo ng ilang milyong drachmas?", sabi ni Hyperion habang nakatingin pa rin sa amin.

"Yes. You should go home, baby brother.", sabi ng babaeng may mahabang itim na buhok. Nakasuot siya ng parang cocktail dress na kulay velvet. Maputla siya at makapal ang pilikmata. Napansin ko rin ang tila isang harmonica na nakasait sa kanyang leeg.

"Hindi ako uuwi no!", sabi ni Kronos, nakakagat sa kanyang labi.

"Hindi pa ba tayo tapos?", nagsalita din ang isa pang babae. Marahil kasing edad ito ni Kronos. Nakasuot siya ng itim na pantaas, itim na pantalon at madilim na aura. Kulot ang kanyang buhok. Ang kanyang mukha ay parang walang emosyon, ganoon din ang kanyang pagsasalita. Kung may mas e-emo pa sayo dati noong Friendster days mo siguro siya na iyon.

"Teka lang, Styx. Kaya ka nga namin sinama dito para makalabas labas ka naman.", sabi ng babaeng naka velvet dress.

"Sabi mo uuwi tayo agad, Mnemosyne.", balik ni Styx. "Ako ang Titan ng vows, hindi mo pwedeng sirain ang sinabi mo o mamamatay ka."

Agad tinugtog ni Mnemosyne ang kanyang harmonica. "Styx! Okay, calm down. Bad vibes go away! Bad vibes go away!"

"Bakit ba kayo nandito?", sabi ni Kronos, ngayon umikot para harapin si Hyperion na nakatingin pa rin sa amin. Nagsisimula na akong maging uncomfortable.

"Well," nagsimula si Hyperion. "Napapansin namin na kakaiba ang kinikilos mo. You've always been mischievous, pero ngayon parang may tinatago ka na."

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon