Chapter 3: Tick Tock

2.4K 99 15
                                    

Chapter 3 – Tick Tock

Pabalik balik ako ng direksyon.

Paulit ulit ang aking nakikita, ang magkabilaang madilim na hallway. Nasa labas ako ngayon ng kuwarto ni Zeus at walang tigil ako sa kakalakad, hindi mapakali, kagat kagat ang aking kuko, napapakamot.

Paano? Paanong nangyari ito?

Naririnig ko sila sa loob na naguusap. Silang tatlo. Pinanood ko ang maliliit na ilaw na nagpapaliwanag sa hallway at kinuskos ang aking paa sa velvet na carpet. Nakapagpalit na ako ng damit at tuyo na. Naubos na rin siguro ang tubig sa aking nainom.

Pero kahit tuyo na ako ay nilalamig pa rin ako. Nanginginig sa kung anong nangyari.

May tumamang liwanag sa aking pisngi at ako'y napatingala, bumuka nang bahagya ang pinto at nakita ko si Zeus na nakatayo kausap siya. Lumabas si Poseidon na may hawak na medical kit.

"Ayos na siya. Wala naman siyang nararamdaman na kahit ano. Ikaw, Guardian?"

"Ok lang ako. Ang mas importante ay siya. Kumusta? Pwede na ba akong pumasok – teka, umiyak ka ba?"

Napayuko si Poseidon. Hinawakan ko ang kanyang baba at tinaas ang kanyang mukha. Kita ko ang pula niyang mata at nagbabadya niyang sipon.

"Hindi ko kasi akalain na makikita ko siya ulit."

Napangiti ako, "Ako rin. Masaya sa pakiramdam pero kakaiba."

"Yup. Susunduin ko lang si Oracle. You can come in now."

Napahinga ako nang malalim.

"Sige. Thanks, Poseidon."

Agad siyang tumakbo paalis. Hinawakan ko ang door knob at unti unti itong pinihit.

Pagkapasok ko ay tila nanigas ang dalawang taong nasa loob, pinanood nila akong lumapit sa kanila. Marahan kong sinara ang pinto.

Nakatayo si Zeus at hinihimas ang kanyang batok, marahil stressed din sa kung ano man ang nangyayari. Tumingin ako sa nilalang na nakaupo sa kama ni Zeus. Parang lumalabo ang aking mata, may tubig dito.

"My dear, Amber.", sabi niya sa kanyang matandang boses.

"Kronos."

Tumakbo ako at niyakap siya. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likuran. Tinapos ko ang pagyakap at tumabi kay Zeus.

"Wag ka masyadong madikit sa kanya, Amber. We have to make sure that this is not some ploy."

Ganun pa rin ang itsura ni Kronos simula nang huli ko siyang makita. Kulubot ang balat ngunit ang kanyang mga mata ay tila pa rin sa isang sanggol. Mahaba ang kanyang putting buhok at balbas at suot niya pa rin ang kanyang berdeng robe.

"Naiintindihan ko, anak.", sabi ni Kronos. "Kahit ako ay di maintindihan ang nangyari."

"Ano nga bang nangyari? Paano ka nagbalik?", tanong ko.

"Tell her.", bulong ni Zeus na unti unti ay lumapit sa kanyang bintana upang panuorin ang madidilim na mga ulap.

Umubo si Kronos, napalunok at nagpatuloy na magsalita. "Nang ako'y pumanaw, hindi ko maintindihan ang saya na aking naramdaman, ito ang pinakahihintay ko. Death doesn't mean the end. It's the start of something new. Napunta ako sa Elysium --"

Nanlaki ang aking mga mata. "Elysium? Ibig sabihin kasama mo si Hades."

Tila nabalot ng dilim ang mga mukha ni Kronos. Tumingin siya mula sa akin patungo kay Zeus at pabalik sa akin. Pansin kong nanginginig ang kanyang mga kamay.

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon