Chapter 11: Reborn

1.4K 57 0
                                    

Chapter 11 - Reborn

May nasusunog.

Nakaramdam ako ng pwersang humila sa akin pabalik sa ulirat. May pagputok. Parang baril o paputok...hindi ko alam.

Malabo ang aking paningin. Ngunit unti-unti ring lumilinaw habang tumatakbo ang oras. Ang una kong nakita ay ang aking tuhod. Nakaupo ako sa kung saan. At aking kamay — ang aking kamay ay nakagapos sa aking likod. Nakaramdam ako ng matigas sa aking likod. Tila kahoy. Nakatali ako sa isang posteng kahoy.

Ano bang nangyari? Anong nangyari? Ang huli kong naaalala ay apoy, mga sigawan at labanan. Mga katawang naghahalu-halo na ang tanging hangad ay sirain ang isa't isa.

Si Kat.

Biglang nanginig ang aking kalamnan at parang lumubog ang aking puso. Ang huli kong kita sa kanya ay siya'y nasusunog at sumisigaw, bago ako mawalan ng malay.

Mabilis akong tumingin sa paligid. Madilim. Maliban sa apoy sa gitna. Sumasayaw-sayaw ito at nagbibigay init sa aking balat. Ang kulay kahel na ilaw ay nagbibigay ng malungkot na awra. Sa aking gilid ay nakita ko ang aking mga kasama. Katulad ko ay nakatali sila sa mga kahoy na poste. Nasa dulo ako at ang katabi ko ay si Zeus, katabi naman niya ay si Poseidon, matapos ni Poseidon ay si Hyperion, Mnemosyne at Styx. Bubuksan ko sana ang bibig ko para tawagin sila pero napahinto ako. May kakaiba sa kanila. May nangyayari sa kanila. Nakatitig silang lahat sa isang parte ng lugar na ito. Hindi sila gumagalaw. At ang kanilang mga mata ay kulay berde. Anong ginawa nila sa kanila? At bakit hindi ako ganito?

"Marahil nagtataka ka.", isang boses mula sa dilim.

"Sinong nandyan?", sigaw ko.

May mga yabag na papalapit nang papalapit. Madami sila. Ilang dosena? Hindi ko alam. Hanggang sa may mga pigurang nagsimulang mamuo mula sa dilim. Ang una kong nakitang mukha ay ang kay Dominic, may ilang gasa sa kanyang mukha. Ganoon pa rin ang kanyang kasuotan, hood, habang hawak ang kanyang espada. Sa tabi niya ay si Rita na walang dalang armas, kundi ang kanyang mga kamay ay nakalagay sa kanyang baywang. Nandoon si Mikel na nakangiti sa akin. At si Lucresha! Ang walang hiya. Nakasuot ito ng chiton at ang gulo pa rin ng buhok as ever. Nakatingin ito sa akin na para akong kadiring langaw na nakatambay sa ulam niya.

Boses ni Dominic iyon, unti-unti ay naglakad ito. Nadaanan niya ang ilan pang kasama nila — mga Hundred Hands, tahimik lang silang pinapanood ako. Lumapit sa akin si Dominic, ang kanyang mahahabang biyas ay unti-unting dinadala siya sa akin. Lumuhod siya sa isang tuhod lang at hinawakan ang aking baba upang itaas ang aking mukha.

Nakita ko ang sa kanya, payat, pansin ko ang hikaw sa isa niyang tenga.

"Ano bang gusto niyo?", tanong ko.

Binitiwan niya ako, tumayo at nagsalita. "Simple lang naman. Wala namang matinding rason. Gusto lang namin ng hustisya sa mangyayari sa aming lahi."

"Sa inyong lahi.", sabi ko, inulit lang.

"Tama. Ang Hundred Hands.", nagsimula siyang maglakad paikot sa apoy habang ang kanyang mga kampon ay nanunuod ng tahimik. "Hindi binuo ng aming Elder Hand ang mga Hundred Hands para lang maubos kami. Ipatapon sa Underworld na parang mga tira-tirang pagkain. Noble kami. Isa kaming noble na lahi! Dahil na rin noble ang Elder Hand. Lahat tinutulungan niya. Mahal niya ang kalit anong lahi. Kahit inaalimura kami dahil sa aming kakayahan. Namatay siya, umaasang malayo ang aabutin ng kanyang mag gawa. Ngunit hindi. Sa kasalukuyan, kung saan kayo galing. Halos ubos na kami. Maraming namatay at maraming nakapiit. At bakit? At bakit?! Dahil hindi lang naming pumiling lumaban sa darating na Titan War?! Nang matapos ang giyera ay pinili ng mga Olympians na itapon ang aming lahi! Dahil lang sa gusto namin ng kapayapaan."

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon