Chapter 5: The Auction

1.9K 70 16
                                    

Chapter 5 – The Auction

Gumegewang-gewang ang aking paningin nang bumalik ang aking malay. Siguro dahil na rin ako'y nahihilo, pero sigurado ako dahil ako'y nasa loob ng nakakahilong sasakyan.

Mabilis akong bumangon at nauntog sa isang kahoy. Napahawak ako sa aking noo at napaiyak sa sakit.

"Milady!", si Kat iyon. "Ayos lang po ba kayo?"

Tumingin ako sa aking gilid at nakita siya. Mabuti naman at nandito siya.

"Ayos lang.", sabi ko, nakadampi pa rin ang mga daliri sa noo. "Nasaan tayo?"

"Sa loob ng isang kulungan."

Teka.Kulungan? Tumingin ako sa paligid at tama nga. Nakakulong kami sa mga bakal na rehas, pero hindi lang ito basta kulungan. May mga gulong ito at kita ko sa unahan namin na hila-hila kami ng dalawang kabayo, nakasakay naman dito ang mga kamukha ng nakalaban namin. Marahil ilang oras na ang lumipas. Mga Skowe. Malalaki ang mga katawan ng mga ito, nakasuot ng bahag, at may mga skull ng mga hayop bilang mga headdress. Alam mo na, the usual.

"Anong nangyayari?", tanong ko. "At saan nila tayo dadalhin?"

"Hindi ko sigurado, milady. Ngunit mayroon akong teorya.", sabi ni Kat habang nakatingin sa labas. Ang kanyang kulay berdeng buhok ay tila mas bumerde pa sa ngayon.

"Ano naman iyon?"

"Marahil ibenta tayo."

"I-ibenta?!", sigaw ko. Matapos ay napahawak ako sa mga rehas at niyugyog ang mga ito. Agad nagingay ang mga kabayo.

Biglang may sumulpot na Skowe sa harap ko. Marahil galing sa taas ng de gulong na kulungan. Nakasabit siya sa mga rehas at agad itinutok sa akin ang isang kutsilyong may bahid ng dugo. Napaurong naman ako.

Nang sigurado na siyang hindi na ako magiingay pa ay bumalik ito sa kanyang tambayan.

"Kumalma kayo, milady. Talamak ang ganitong mga bagay noong Golden Age, ibig kong sabihin, ngayong Golden Age. Sa likod ng mga nababasa nating magaganda tungkol dito, na ito'y sagana at walang kurapsyon. Malaking kasinungalingan lang ang lahat."

"Paano mo naman nalaman ito?", tanong ko. Napapatingin ako sa kulungan, hindi naman ito indestructible, sa pagtutulungan naming dalawa ni Kat Embers ay madali kaming makakalabas dito at marahil jombagin pa ang mga Skowe na ito.

"Kailangan nating makalabas dito."

"Ngunit marahil ito ang magdadala sa atin sa kasagutan.", sabi ni Kat.

"Ka-kasagutan?", tanong ko.

Tumango siya. "Ang mga naibebenta sa auction ay kadalasan nagiging slave sa palasyo, sa Royal family. Kung nasaan ang mga Titans."

Tama nga, sila Ouranos at Gaia ang naghahari dito sa Golden Age.

"At paano naman ito magdadala sa atin sa kung sino man ang sumisira sa kasalukuyan?"

May nadaanang malaking bato ang kulungan na karwahe at kami'y tumalbog. Nang maging maayos na ulit an gaming paglalakbay ay sumagot na si Kat.

"Malaki ang tsansa na kung sino man ang gumagawa nito ay may galit sa Royal family – sa Olympians. Kayo ang sentro ng Griyegong mitolohiya."

Hindi ko man aminin sa aking sarili ngunit tila tama siya. Napatango na lang ako at napahawak sa aking ulo.

"Ibig sabihin hahayaan nating bilhin tayo ng kung sino?"

"Sana nga lang tayo'y dadalhin nito sa Royal family."

"Paano kung hindi?"

"Madali naman tayong makakagawa ng paraan kung sakaling maipit tayo sa ganyang klaseng sitwasyon, milady."

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon