Chapter 6: A Titan In Love

1.9K 71 14
                                    

Chapter 6 - A Titan in Love

Simple lang ang aming plano. Papasok ako sa bar gamit ang main entrance at may kailangang gawin para i-distract ang mga nasa loob habang si Kat at Kronos ang papasok sa likod, para tulungang makawala ang mga nakapiit na ibibid na anumang oras.

Pero kahit simple lang ang plano ay hindi ako makapagisip ng maayos. Hindi ko inaasahan ito, na makikita namin ang batang Kronos sa panahong ito...marahil...marahil mas malapit na kami sa kailangan naming gawin, pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang mga nangyayari.
Bumulong sa akin si Kat na mamaya na namin paguusapan ang tungkol kay Kronos, wala rin kaming sinabi na kung ano sa kanya. Kailangan naming mag focus sa aming gagawin - para mapakawalan ang mga kaawa-awang nilalang sa loob at para makuha ang aming mga gamit.

Napabuntong hininga ako. Siguro madali lang naman ang gagawin ko - marami na rin akong napagdaanan na tiwala akong magagawa namin ito ng maayos. Matapos ang mas malinaw pang paguusap ay umikot na ako para pumunta sa main entrance. May ilang mga lalakeng lasing sa gilid ng pinto habang iwinawagayway ang kanilang mga bote ng alak.

Siguro wala namang makakakilala sa akin, sa dami ng kanilang binibid at sa dami ng mga tao ay malamang nalimutan na nila ang mukha ka. Pumasok ako marahan gamit ang double doors. Agad akong nabingi sa ingay ng mga tao. Mabilis na napunta ang aking mga mata sa kung ano ang nasa stage - patuloy pa rin ang bidding at lalong sumihidhi ang kagustuhan kong tulungan sila. Isang batang lalake ang katabi ng host sa taas. Blonde ang buhok ng bata, mga sampung taon at umiiyak ito nang tahimik.

Alam ko na ang gagawin ko bago pa man sabihin sa akin ito nila Kat. Kailangan kong gumawa ng apoy. Simula nang gumawa ako ng malaking sunog sa gubat noong giyera namin kay Hera ay hindi ko na nasubukan ulit pang maglabas kahit isang maliit na apoy. Kaya ko ba ito? Naubos ang aking nakaraang taon na kakaisip kung paano ako magaadjust sa buhay ko na wala akong nagawang mismong pagaadjust.

Nakita ko ang bar at ang bartender na balbas sarado. Tahimik nitong pinapanood ang bidding habang pinupunasan ang ilang mga baso. May nakabangga sa aking babaeng tumatawa at ako'y mas lalong napalapit sa bar. Tinitigan ko ang mahabang drawer ng mga alak - iba't ibang laki at hugis ng bote at iba't ibang kulay - may kulay kahoy, berde at puti.
Apoy. Kailangan kong gumawa ng apoy. Kailangan kong gumawa ng apoy na hindi agad maaapula at hindi rin makakapatay. Dapat magsimula ako ng apoy sa iba't ibang parte ng dumadagundong sa ingay na bar.

Tumingin ako sa bar, tama dito. Napatingin din ako sa bintana sa kanan, ang kurtina, pwede ko silaban at ang mga tela na nakasabit sa stage. Tama. Tama. Ito ang gagawin ko.

Pumikit ako upang magsimula na pero may bumangga sa akin na babaeng tawa nang tawa. Ang baho ng hininga. Nawala din agad ito sa paningin ko, napakamot ako ng ulo at pumikit na muli.

Apoy. Apoy. Iniisip ko ang apoy na nagsisimula, ang bar, ang kurtina at ang tela. Pero...pero bakit wala? Bakit wala akong nararamdamang kapangyarihan?
Bago ako dumilat muli ay may nakita kong imahe. Mukha ko. Ngunit hindi isang goddess, kundi isang high schooler. Teka nga, anong?

Napadilat ako at kinuskos ang aking mga mata. Kailangan kong magconcentrate. Pumikit muli ako at inisip na naman ang apoy at ang tatlong bahagi ng lugar na ito. Ang ingay ay tila nalulunod na dahil sa aking pagiisip. Apoy. Kailangan kita.
May narinig akong sumigaw. Napadilat ako at nakita ang bar - may apoy na nagsisimula mula sa ma shelves. Medyo malaki na ito at natataranta ang bartender. Tumingin ako sa kurtina at sa mga tela sa stage - wala, walang apoy. Pumikit muli ako upang ito naman ang silaban, ngunit wala pa rin. Paulit ulit ko itong ginawa hanggang sa nagsimula nan mataranta ang mga tao. Nagsisigawan. Ang bartender ay tumatawag ng tulong.

"Teka, teka! Tila may sunog na nangyayari!," sabi ng host.

Tumingin ako sa paligid. Ang mga tao ay naguunahan nang makalabas ng pinto. Hindi ko na kailangan pang masama sa alon ng mas madaming taong paparating. Nakita ko ang apoy na ginawa ko na nilalamon na ang lahat ng shelves at dahil puno ito ng mga alak ay sumasabog ang mga ito at napapahiyaw sa gulat at takot ang mga tao.

Teenage Greek gods: Age of Titans Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon