Chapter 2: Crocus Elite Team

45 2 1
                                    


Thank you po sa mga nag vote, comment at nag add ng story na ito sa Reading List nila. I appreciate it:D

Enjoy Reading!!!  :)

*****

Yllya POV

Kahapon pag uwi ko sa amin tinanong ako ni mama kung anong job daw ang na applyan ko. Ang sinabi ko na lang isa akong agent. Ang pagkaka intindi ni mama doon, akala niya isa akong agent sa mga beauty products kaya hindi na marami ang mga tanong niya. Nag text din daw ang 'boss' ko na wala dapat ipag alala si mama sabi niya. Kahit sa member ng family hindi rin daw pwedeng ipagsabi ang about sa Crocus guild. Sobrang mahigpit ang pagka anonymous ng Crocus guild ah.

Ngayon ang first day ko sa guild, nagpaalam na din ako na doon muna ako titira pero umuuwi din ako sa amin every month.

Bago ako umalis ng bahay dumating ang tatay ko na lasing at nag umpisa na naman silang mag away ni mama. Sinisigawan ni tatay si mama samantalang si mama naman naiirita na. Hindi man napansin ng tatay na nandito ako sa bahay. Sabagay, kaming tatlo magkakapatid ay parang multo lang sa paningin niya. Ang ate ko nasa trabaho tapos yung bunso nasa kwarto nagkukulong, siguro narinig niya din ang away nila.

Noong last time na pigilan ko sila sa pag aaway ako ang na perwisyo. Ginupit ng tatay ko ang buhok ko at kinulong ako sa garahe ng 5 oras. Kaya hindi niya ako masisisi kung bakit ganyan ang pakikitungo ko sa kanya. Kung pwede lang magpalit ng tatay matagal ko na ginawa.

''Ma aalis na po ako!" paalam ko, pero mukhang hindi niya ako narinig dahil nag aaway pa rin sila. Umalis na lang ako sa bahay dala ang iba kong gamit. Hindi naman ako maglalayas, kailangan kasi matulog ng mga agents sa Crocus guild para hindi kami ma spy ng mga kaaway.

At pwede rin sabihin na...tinatakasan ko lang ang gulo sa pamilya ko.

*****

Nag commute lang ako papunta sa bahay ng founder, nasa underground kasi ang basement ng guild. Kahit sa labas ng bahay may mga security guard din, mahigpit talaga ang security dito sa guild lalo na ngayon may threat especially nung na kidnap daw ng mga black troops si Agent D.

Pagpasok ko sa guild busy ang mga tao sa kanya kanya nilang trabaho. First day ko dito ano nga ba ang una kong gagawin? Hindi ko pa naman masyadong memorize ang mga pasikot sikot dito. Kailangan hanapin ko si Miguel siya lang naman ang maraming alam dito eh.

Nagpunta ako sa Guild Hall at doon nakita ko si Miguel may kasama siyang tatlong tao. Yung isa babae na mukhang fierce at sexy manamit. Pare pareho lang naman kami ng uniform dito pero siya ni-repair niya ata ang uniform niya para mas mag fit ito sa kanya at makita ang shape ng body niya.

Yung isa naman lalaki na nakasalamin at mukhang pa nerd ang effect. Pero makapaglagay ng gel sa buhok niya wagas, dinaig niya pa sina Natsu at Gray sa taas ng buhok niya, pwede rin si Jimmy Neutron.

Sa tabi naman ni Miguel yung lalaking bumunggo sa akin kahapon. Makadikit si Miguel doon sa lalaki para siyang linta. Linapitan ko si Miguel dahil wala pa kasi ako masyadong alam dito, siya pa rin ang tour guide ko dito sabi ni Lola Cecil.

''Miguel! Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Ano na ba ang gagawin ko niyan?" napatingin silang lahat sa akin at si Miguel gulat na gulat.

''What are you doing here?"

''Adik ka ba? Malamang magta-trabaho! Kayo nag recruit sa akin dito tapos yan ang itatanong mo sa akin?" tumayo siya at pinuntahan ako. Lumayo kami ng kaunti doon sa tatlo niyang kasamahan.

''Alam mo may special announcement kasi ang Guild Master ngayon kaya lahat ng mga agents dito muna. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat mong gawin!" pagsusungit niya. Aba masungit pa ata sa akin ito ah. Napatingin ako sa likuran namin nakatingin sa amin yung tatlo.

Crocus GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon