Chapter 5: Friends na Tayo

33 3 1
                                    

Thank you for your love and support readers!

Enjoy Reading!!! :)

*****

Xion POV

Napapadalas ata ang paggising ko ng tanghali ngayon. Chineck ko ang alarm clock ko 11:30 a.m na, malapit nang mag tanghalian.

Naligo muna ko at nagbihis. Pagbukas ko sa pinto ko may nakadikit na color neon green sticky note. Nang basahin ko ang nakasulat.

'Thank You' from Yllya.

Aba ano ang nakain ng babaeng yun? Marunong pala siya magpasalamat ah kahit na suplada at mataray siya.

Buong araw ko nga siyang hindi pinapansin kahapon dahil pinaninindigan ko ang pag iwas ko sa kanya, para hindi masaktan si Migs. Baka kasi akalain ni Migs inaagaw ko ang girlfriend niya.

Tinago ko na lang yung sulat sa bulsa. Napatingin ako sa kwarto ni Yllya, gising na kaya siya? Malamang siguro gising na yun tanghali na eh. Dumiretso ako sa dining section. Umorder ako ng lunch at umupo sa vacant seat. Habang kumakain ako nakita ko si Migs na parang may hinahanap at may dala siyang chocolates.

''Migs!" tawag ko sa kanya, agad naman siya lumapit.

''Oh pare!" napansin kong ang dami ng mga chocolates at Ferrero pa. Para siguro kay Yllya ang mga chocolates na yun.

''Para kay Yllya ba mga yan?" na confused siya bigla sa tanong ko. Tapos tinuro ko yung tatlong box ng chocolates. Bigla naman siyang tumawa ng malakas.

'Hahaha pare! Ito? Kay Yllya?!" tawa siya ng tawa para na nga siyang aatakihin sa tawa.

''Oo, bakit anong nakakatawa?"

''Hahaha! Wala pare!" tapos nag seryoso siya ng kaunti. ''Bakit ko naman bibigyan ng chocolates si Yllya? Ano siya sineswerte?! Hahaha".

''Kasi gir--". Bigla niyang iniabot ang mga chocolates sa akin tapos mukha pa siyang nahihiya.

''Para sayo yan pare''. Sabi ni Migs. Natawa naman ako sa kanya, siguro nahihiya lang siya ibigay ito para kay Yllya. Kaya inakbayan ko siya para bigyan ng lakas ng loob.

''Migs, naiintindihan kita. Sige ako na ang bahala". binulungan ko siya tapos ang init niya bigla. ''May lagnat ka ba?" tanong ko sa kanya, bigla kasi siya namutla eh.

''W-wala pare".

''Okay". Kinuha ko yung mga chocolates tapos itinuloy ko ang pagkain ko.

''Ah... Pare... Nabalitaan ko kay Pierre yung girl na parang linta".

''Ahhh! Si Sofia''.

''Sofia?".

''Yung obsess na babae sa akin''.

''Naku pare! Isumbong mo sa akin ang mga nam-mamanyak sayo! Susuntukin ko ang mga yan!" sabi niya tapos kunwari nag practice sumuntok. ''Basta pare, walang sikretuhan sa ating dalawa huh? Alam mo naman parang ikaw na ang bestfriend ko.''

''Oo naman. Kaya ikaw bakit hindi mo sinasabi sa akin na may girlfriend ka na." kumunot ang noo niya bigla at parang nagtataka.

''Girlfriend? Kailan pa ako nag ka girlfriend?".

''Hmm. Ngayon?". Sabi ko na hindi sigurado sa sagot.

''Sino naman ang girlfriend ko?" nagpapatay malisya ba siya o balak niya talaga itago ang relasyon nila ni Yllya?

''S-si...'' naghihintay siya sa sagot ko kaso gusto ko siya mismo ang magsabi sa akin. Tinap ko ang balikat niya. ''Basta Migs, wala kang dapat isikreto sa akin. Tanggap ko naman kung kanino ka mai-inlove basta sabihin mo lang sa akin." mas lalo siyang na confused sa sinabi ko. Natawa naman siya bigla.

Crocus GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon