Chapter 1: Extrasensory Perception

40 3 1
                                    

To my beloved readers, thank you for your love and support :)

Enjoy Reading!!! :)

*****

Yllya POV

I'm Yllya Sviel. 19 years of existence in Earth. I'm a certified otaku and gamer. Single, as usual wala kasing forever eh, hindi ako bitter ah nagsasabi lang ako ng katotohanan.

Mahilig ako manood ng anime nag e-enjoy kasi ako and I also love playing games ma-pa PSP man yan, computer, cellphone, tablet basta yung nakakalibang paglaruan at yung hindi ako mabo-bored.

Kasalukuyan kong pinapanood ang favorite anime of all time ko, ang Fairy Tail. Pero favorite ko naman lahat ng anime eh, habang nanood ako syempre naglalaro din ako sa PSP. Nakakatamad kasi walang magawa.

Well, graduate na nga pala ako ng college, as in fresh graduate pa lang. Akalain mo nakapasa ako ng college hindi man ako nag re-review haha!. Ilang months na din akong tambay sa bahay namin kaya si mama ito pinipilit ako humanap ng trabaho. Pumasok si mama sa loob ng kwarto ko may dalang envelope at mga papeles.

''Anak tama na muna yan lalong lalabo ang mga mata mo sa kakanood mo ng mga cartoons niyan eh."

''Ma, hindi cartoons to' Anime po ma." pag co-correct ko sa kanya.

''Okay anime, cartoons o kahit ano pa man yan. Tigilan mo muna panonood ngayon, mag apply ka muna ng trabaho." iniabot ni mama ang envelope sa akin. ''Nandiyan na lahat ng kailangan mo sa pag apply ng trabaho, inayos ko na lahat". Ang sweet, caring, loving at bait-bait talaga ng mama ko, kaya nga mahal na mahal ko siya.

''Opo ma". walang gana kong sabi. Tinatamad pa kasi ako, nabitin tuloy ako sa panonood tapos may bagong update pa naman na manga sa internet hindi ko tuloy mabasa.

Naligo na lang ako siguro mga 1 oras bago ako natapos. T-shirt, pantalon, rubber shoes and bag pack ang outfit ko. Hindi na ako masyadong nagsuot ng formal na damit.

''Ma alis na po ako."

''Mag ingat ka anak. Mag text ka kung anong resulta sa interview mo."

''Yes po." graduate ako ng Education kaya naman ang a-applyan kong trabaho ay teacher. Actually pinilit lang ako ni mama sa course na ito, syempre sila nagpapa-aral sa akin hindi ako pwedeng sumuway.

*****

Naka limang school na ako ng pinag-applyan pero kahit isa man sa mga school na yon ay walang tumanggap sa akin. Ang reason nilang lahat ay 'kasi may 3.00 kang grade'. Ano yun coincidence lang na pare-pareho ang dahilan nila?

Napagod akong mag apply ng trabaho kaya at the end para maalis ang pagka stress ko pupunta muna ako ng mall.

Papunta pa lang ako sa may terminal ng jeep nang  makarinig ako ng nagkakagulo. Mga limang lalaking naka itim at nakatakip sila ng mga mukha, para nga silang holdaper. Tapos may isang babaeng nakatali ng lubid ang kamay. Umiiyak ang babae, hindi ito makasigaw kasi tinakpan nila ng panyo ang bibig niya. Dinala nila ang babae sa walang gaanong tao.

I think the girl needs help. Sinundan ko sila, buti na lang hindi nila napapansin na nakasunod ako sa kanila. May tinatanong sila sa babae kaso yung babae ayaw niya magsalita. Ang naririnig kong paulit ulit nilang tanong ay ''Nasaan ang basement ng Crocus Guild?". Parang narinig ko na yung Crocus na yun ah.

Umakyat ako ng hagdanan para makarating sa bubungan. Saktong sakto ang mga target dito, kinuha ko ang rubber band na nakatali sa buhok ko at kumuha din ako ng mga maliliit na bato. I know I can do this, sharp shooter ako pagdating sa mga ganyan.

Crocus GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon