Thank you very much sa inyong lahat readers of wattpad! Nagpapasalamat din ako sa mga readers and followers na nag add ng story ko sa Reading List nila. Pati na sa mga nagco-comment and vote sobra po ako thankful sa inyo. Sa mga readers salamat po na marami kasi napagtuunan niyo ng pansin ang story ko ehe :)
Enjoy Reading!!! :)
*****
Yllya POV
7:00 in the evening nang makarating kami sa resort. Entrance pa lang ng resort ay bongga na at pang mayaman ang dating. Ipi-nark ni Pierre ang sasakyan namin sa loob, gate pa lang bongga na talaga. 'Welcome to Gustave Resorts and Hotel Leisure Park', yun ang nakasulat sa arko ng gate.
Nagpunta muna kaming apat sa receiving area para magpa-book ng tutuluyan namin. Habang nagpapa-book sila, napalingon ako sa labas. Kitang kita ang mga malilinaw na tubig ng mga swimming pools dito sa loob, gawa kasi sa mga glass ang pinto nila.
Isang 7 feet na swimming pool ang naka caught ng attention ko. I felt something different in that pool at napansin ko din na 4 o 5 tao lang ang nagswi-swimming doon, gayon na ang lawak lawak naman ng pool. Halos foreigners ang mga guest nila dito.
''Yllya tara na". tawag sakin ni Elisa. ''May problema ba? Parang ang lalim ng iniisip mo?".
''Ah wala naman". sumunod ako kay Elisa pero bago yun hindi ko maiwasan na hindi lingunin ulit ang 7 feet na swimming pool. Kanina 5 tao lang ang nandoon, pero ngayon may pang anim na tao sa pool. Nakaupo lang ito sa gilid ng hagdan ng pool.
''Yllya". Natauhan ako bigla ng hawakan ako sa balikat ni Xion. ''Kanina pa kita tinatawag. Anong tinitingnan mo doon?". tinuro niya yung pool na tinitingnan ko kanina. Nakatingin sina Elisa at Pierre sa amin, alam kong takot si Elisa sa multo kaya pina-una ko na sila.
''Mauna na kayo, susunod na lang kami". pumayag naman sila. Magkasama daw kami sa kwarto ni Elisa at sina Pierre at Xion naman ay sa katabing kwarto namin.
''Oh ano na?". tanong ni Xion.
''May nakita akong babae sa pool''. Tumingin si Xion sa pool at pinagmasdan ang mga nag ni-night swimming. ''Wala naman ah. 5 lalaki ang nakikita ko".
''Multo yung babae". Mahina kong sagot. Mukhang natakot si Xion sa sinabi ko. Humawak siya bigla sa braso ko.
''Bakit?".
''Wala".
''Natatakot ka sa multo?".
''Hindi ah!".
''Hindi daw. Halata sa mukha mo!".
''Bakit? ikaw hindi ka natatakot?".
''Hmm...Dati pero ngayon hindi na."
''Wow! Ang tapang mo naman''. Tumawa na lang ako. Nakahawak pa rin siya sa braso ko at nanginginig ang mga kamay niya, halatang halata na takot siya. ''Hindi nila pwede makita na natatakot ako sa multo, bilang leader niyo kailangan ko din maging matapang katulad mo". May point naman siya doon, hinayaan ko na lang siya na humawak sa braso ko.
Maganda naman sa loob ng resort. Hindi rin naman mukhang nakakatakot sa loob pero ang aura sa paligid ay kakaiba.
''Nasaan ang room namin ni Elisa?".
''Doon. Magkatabi tayo ng kwarto". nang nasa pinto na kami pinabitaw ko na siya sa pagkahawak niya sa akin. Room 111 kami ni Elisa, sila naman Room 112.
Pumasok na ako sa room at nakita ko si Elisa na nag aayos ng gamit. Maganda ang loob ng kwarto at malinis. May t.v rin sa loob at naka air conditioner.
Time check: 9:00 p.m
Pinuntahan kami nina Xion at Pierre sa kwarto, mag start muna daw kami mag investigate at kabisaduhin ang mga pasikot sikot sa resort. Malaki kasi ang resort na ito. Sinabi ng leader ang plan namin kaya we will split up into two.
![](https://img.wattpad.com/cover/46238579-288-k169402.jpg)
BINABASA MO ANG
Crocus Guild
AcciónYllya Sviel an otaku girl, free-hearted, optimist, fearless, N.B.S.B (oh ngayon?!), hopeless romantic, stupid, cold-hearted, tsundere, nature lover at higit sa lahat may ESP. She was recruited as an secret agent in a top secret organization unbeknow...